Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jinggoy, natakot kay Boyet

Author: Leo M. Bukas

HINDI lang pala sa direktor niya sa pelikulang Magkaibigan na si Joey Reyes takot si Sen. Jinggoy Estrada. Takot din siya sa co-star na si Boyet de Leon lalo na kapag magkaeksena sila sa pelikula.

"Siyempre, iba 'yung level niya, eh. Best actor ang kaeksena ko kaya hindi maiiwasang mangatog ang tuhod ko," pag-amin ng senador.

"Hindi kasi ako makapaniwala na magkaeksena kami sa pelikula. Sino ba naman ako pagdating sa pag-arte. Wala pa naman akong napapatunayan.

"Iniisip ko na baka umabot ako ng take 10 pag kami 'yung magkaeksena kaya kabado talaga ako," dagdag pa niya.

Pinawi naman ni Boyet ang kaba sa dibdib ni Jinggoy habang nasa presscon ang dalawa ng Magkaibigan na entry ng Maverick Films sa 2008 MMFF.

"Magaling na aktor si Jinggoy. Ang akala lang niya hindi siya magaling, pero okey siya," kuwento naman ni Boyet.

Sa tanong kung sino sa kanila ang mas may K manalo ng Best Actor sa MMFF awards night, pareho silang nagkibit-balikat kaya si Direk Joey na lang angsumagot.

"Ang gusto ko, kumita ang pelikula. Gusto kong panoorin ito ng mga tao dahil may kabuluhan ito," wika pa niya.

* * *

SI Katrina Halili ang nasa gitna ng poster ng One Night Only ng OctoArts Films na entry rin sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ibig sabihin, siya ang ibinibenta sa pelikula at parang support lang 'yung ibang mga kasamahan niya like Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion at Diana Zubiri.

"Naku, hindi po ganu'n. Walang ibig sabihin kung nasa gitna man ako sa poster. Lahat kami ay bida sa pelikula dahil may kanya-kanya kaming istorya rito," depensa agad niya.

Sa Amerika magba-Bagong Taon si Katrina. Nagpaalam na siya sa kanyang nanay at pinayagan naman siya nito.

Source: People's Tonight