Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jiro Manio nagiging misteryoso

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Isa kami sa nanghihina-yang talaga sa pagkakaalis ni Jiro Manio sa No. 1 soap ng ABS-CBN na Tayong Dalawa.

Balita namin ay pati ang Star Magic ng ABS-CBN ay itnakwil na rin siya sa kanyang pagiging unprofessional.

At sa isang news report ay napag-alaman namin na pati pala ang sariling bahay ni Jiro ay nilayasan na rin ng batang aktor ayon mismo sa ama nito.

Sa tagal nang pagkakilala namin kay Jiro ay hindi naman siya ganito.

Masikap ito pagdating sa trabaho.

Kaya nagtataka kami kung bakit biglabng-bigla ay nagkaganito siya.

May mga naghihinalang may mga bad influence kasi na nasa paligid ni Jiro nga-yon.

At nakakapagduda kung bakit maraming pera ito ngayon samantalang wala siyang kasalukuyang projects.

Totoo kayang lumipat siya sa isang bagong bahay sa San Juan na nagkakaha-laga ng P7M?

Ano kaya ang pinagkakaabalahan ni Jiro nga-yon?

Isang malaking misteryo ito ngayon.

* * *

Parang kailan lang pero nakaka-two years na pala ang Sine Novela series ng GMA.

It was April 2007 nang unang ipinalabas ang unang Sine Novela offering na Sinasamba Kita starring Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Wendell Ramos and Carlo Aquino.

Nag-Dos na si Sheryl after that at nakabalik na rin siya ulit sa GMA.

Samantalang si Valerie ay nananatiling nasa ABS-CBN hanggang ngayon.

Ang Dapat Ba Kitang Mahalin nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa Sine Novela with 32%.

Mas mataas pa sa ilang primetime shows ng GMA kaya naman ganoon na lang ang pressure sa papalit na show dito na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin na pagbibidahan naman nina Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Patrick Garcia at JC Tiuseco.

Kung pagbabasehan sa teaser na napanood namin, mukhang magugustuhan rin ng manonood ang Kung Aagawin na original na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Jacky Lou Blanco noong 1987.

Bagong image si Glaiza dito bilang isang kontrabida.

Aba, seksing-sexy na siya ngayon at bu-magay sa kanya ang kanyang bagong short hairdo.

Puwedeng-pwede na si-yang pumalit kay Katrina Halili bilang kontrabida queen sa GMA.

Natutuwa naman kami sa Survivor Phils alumni na sina JC Tiuseco at Jace Flores kasi nabibigyan sila ng magagandang breaks ng GMA.

* * *

Naguguluhan naman kami kay Patrick Garcia nang makusap namin siya sa prescon ng Kung Aagawin.

Kasi, this time ay direkta niyang sinabi na alam ni-yang siya ang ama ni Alex Jaz na anak nila ni Jennylyn Mercado.

Na-misquote lang daw siya dati ng interview niya sa The Buzz a year ago na kesyo pinagdududahan daw niya kung siya ang tunay na ama ng bata.

Right from the start daw ay alam niyang siya ang ama at wala nang iba pa.

Although inamin niya na wala talaga siyang balak magpakasal dahil alam niyang hindi pa siya ready.

At malabo raw na magkakabalikan pa sila ni Jennylyn.

Pagdating naman sa suporta sa bata, wala naman daw problema sa kanya.

Willing daw siyang magbigay ng money kaso baka tanggihan lang daw ni Jen dahil ma-pride raw ang aktres.

Naku, Patrick magkusa ka nang magbigay ng sustento at baka may chance pang maipakita sa iyo ni Jen ang anak ninyo!

Source: Taliba