Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jo-Ann, binigyan ng payong at pamaypay ni Annabelle

Author: Ian F. Farinas

NA-CREMATE na kahapon ng hapon ang mga labi ng nasirang talent manager na si Douglas Quijano sa Heritage Park matapos ang isang solemn na Misa na dinaluhan ng mga kapamilya, malalapit na kai-bigan at mga alaga sa showbiz.

Sina Richard Gomez at Joey Marquez ang mga nanguna sa pagbubuhat ng kabaong na gawa sa mahogany. Tatlong oras tumagal ang cremation, na nagsimula bandang alas-kuwatro ng hapon.

Contrary to earlier reports, hindi na inilibing ang mga abo ni Tito Dougs sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, katabi sana ng mga magulang niya.

Ayon kay Goma, napagkasunduan ng pamilya Quijano na majority sa abo nito'y ilagak sa Lucban, Quezon, kung saan naroon ang kanyang retirement house at kung saan siya binawian ng buhay nu'ng isang linggo.

Bibigyan naman ng maliliit ng urn ang bawat isa sa kanyang mga alaga para meron din silang maitagong alaala ng butihing manager.

Gaya nu'ng huling gabi ng lamay last Friday, naging emosyonal din ang lahat sa eulogy, kung saan nagbigay ng huling pag-alala ang mga alaga niyang tulad nina John Estrada at Goma.

Halos hindi matapus-tapos ni John ang sinasabi dahil sa sobrang pag-iyak. Pinasalamatan niya ang manager sa suportang ibinigay mula pa nu'ng baguhan siya sa industriya.

Ikinuwento ni John kung paano siya ipinaglaban ni Tito Dougs nu'ng panahong gusto siyang tanggalin sa sitcom na Palibhasa Lalaki nina Goma at Joey Marquez.

Si Goma naman, inaming sa loob ng mahigit na 20 taon, mas matagal pa ang pinagsamahan nila ni Tito Dougs kesa sa tatay at nanay niya combined.

Pinakiusapan din ni Goma ang mga dumalo sa Misa na bigyan ang yumaong tatay-tatayan ng standing ovation.

Sina Jomari at Anjo Yllana, Gelli de Belen, Lucy Torres-Gomez at Ben Chan ng Bench naman ang mga nagbigay ng eulogy nu'ng Biyernes habang ang iba pang alaga ni Tito Dougs, lalung-lalo na si John, panay ang iyak sa kinauupuan.

Kumanta si Gary Valenciano ng How Did You Know, I Will be Here, atbp. pagkatapos ng Misa.

Apaw ang mga taong nakiramay, kaya para sa 500 katao ang inihandang pagkain ng Florabel ni Florabel Co at Cabalen.

Sa interview ng entertainment editor at Startalk host na si Ricky Lo kina Goma at Joey, ibinahagi nilang may isang ibong ayaw umalis sa Heritage chapel.

Sey ng dalawa, malamang ay si Tito Dougs 'yon, dahil sa ngayon, "he is free as a bird, he can fly wherever he wants to. "

Nu'ng Biyernes naman, isang paru-paro ang dumapo sa balikat ni Richard Gutierrez, na ala-alaga rin ni Tito Dougs sa commercial endorsements.

Nakapag-meeting na raw sina Goma tungkol sa mga susunod nilang hakbang ngayong wala na ang kanilang manager, at ang bottom line ng napagkasunduan ay pagtibayin ang pundasyon na nasimulan ni Tito Dougs para sa grupo.

Kung ang pag-uusapan naman ay kung sino ang papalit dito bilang manager ng grupo, paulit-ulit nang sinabi nina Goma na hangga't maaari, ang gusto sana nila'y isa lang ang humawak sa kanila.

So far, ani Goma, napag-aaralan na nila kung paano mag-let-go.

Ngayong Linggo (June 21), muling magtitipun-tipon ang pamilya't malalapit na kaibigan ni Tito Dougs from in and out of showbiz para sa kanyang pa-siyam.

Gaganapin ito 6 p. m. sa Imperial Palace Suites na pag-aari ng Regal Entertainment produ at close friend ni Tito Dougs na si Mother Lily Monteverde.

Sa July 23 naman, ani Goma, tumapat ang 40th day nito, one day short of his 65th birthday.

Last year daw, sa bahay nina Goma at Lucy ginanap ang selebrasyon ng kaarawan ni Tito Dougs. Kaya malamang, du'n na rin ito gawin ngayon.

Singit ni Joey, may suggestion daw na sa retirement house ni Tito Dougs idaos ang okasyon, "kasi, gusto namin siyang maalala na buhay pa siya ru'n sa bahay na pinakamamahal niya. "

Samantala, isang "pagbabati" ang muling naganap sa mismong araw ng cremation ng namayapang talent manager, na kilala sa showbiz bilang isang tunay na peacemaker.

Nauna nang "pinagbati" ni Tito Dougs sina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama, Gretchen Barretto at Nadia Montenegro, Pops Fernandez at Jomari, at maging ang mag-ex na sina Jeremy Marquez at Alessandra de Rossi, namataan ding nag-uusap sa isang sulok nu'ng Biyernes ng gabi.

Break daw sa taping ni Alex, na ang location ay malapit sa Heritage, kaya dumaan na siya. Nagkumustahan ang dalawa at mukha namang all's well na rin sa pagitan nila.

Anyway, kung nu'ng nakalipas na mga araw ay dedmahan to the max sina Annabelle Rama at Yes! at PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon, kahit paano, kahapon ay na-break na ang ice sa pagitan nila.

As we all know, idinemanda ng anak ni Tita Annabelle na si Richard ang PEP dahil sa in-upload na article kaugnay ng diumano'y banggaan ng bida ng Zorro at aktor na si Michael Flores.

Siyempre, kabuntot nito ay ang hindi pagkikibuan nina Tita Annabelle at Jo-Ann, na matagal na ring magkaibigan.

Pero 'yun na nga, sa salaysay ni Bisaya, kahit hindi sila nag-uusap, kabilang si Jo-Ann sa mga binigyan niya ng payong at pamaypay na Zorro.

Sey daw niya, "Kahit magkaaway tayo, Jo-Ann, bibigyan kita ng pamaypay at payong," na tinanggap naman ng huli.

Si Jo-Ann naman, nagsabing, "Wala kaming masamang pinagsamahan ni Tita Annabelle, kaya nu'ng nag-gesture siya na lahat kami bigyan ng fan at payong, it felt natural.

"Ang nakakatuwa, 'yung mga alaga ni Tito Dougs, biglang nag-'uy!' Habang nagmi-Misa naman, wala akong upuan. Ang bakante lang, 'yung seat na katabi ni Jun Lalin (publicist ng mga Gutierrez) sa mesa nina Tito Eddie. Hindi ako nag-hesitate na kunin 'yon...Parang hindi na mabigat na umupo roon sa tabi nila.

"Sa palagay ko, in-orchestrate 'yon ni Tito Dougs. He has that kind of character that brought people together. Even in death, parang ganu'n ang nangyari. "

Pero, nilinaw ni Tita Annabelle na tuloy pa rin ang kaso ni Richard laban sa PEP. "Depende, panahon lang naman 'yan, eh," dagdag pa nito.

Para kay Jo-Ann, "Kahit nandiyan pa rin ang kaso, masarap isipin na she's not out to kill me pala, she's not out to stab me. Hindi ako magsasalita ng patapos na maaayos ito, kasi nasa piskalya na, pero, at least, gumaan. "

Source: People's Tonight