|
|
| Joey de Leon, 2 weeks mawawala sa 'Eat Bulaga' Daiana, palaging karay-karay si Carlo![]() Author: Jun Nardo NAKATAKDANG lumipad patungong Amerika si Joey de Leon this week upang mag-taping doon ng ilang episodes para sa Mel & Joey. Bale two weeks ding mawawala ng bansa si Joey kaya leave muna siya sa Eat Bulaga! Pero babalik din ng 'Pinas si Joey sa Sept. 20. Just in time para sa pagbabalik din ng isang bakasyunista! Ha! Ha! Ha! Kaya huwag munang magbunyi sa pag-alis ng TV host-comedian! Walang dudang may relasyon na nga ang Brazilian model na si Daiana Meneses at Carlo Guevarra. Na-witness ng mga staff ng isang show sa GMA ang ka-sweet-an ng dalawa nang mag-guest si Daiana at karay-karay niya ang rumored boyfriend sa studio. Habang hindi pa nagsisimula ang taping ni Daiana, lagi lang siya sa tabi ni Carlo. At nang magsimula na ito, matiyaga naman siyang hinintay ni Carlo. Nang matapos si Daiana ng taping, sabay rin silang umalis ni Carlo na magkahawak-kamay pa! Teka nga pala, ano ba ang wala kay Carlo at hanggang ngayon, hindi pa siya nabibigyan ng magandang break sa Channel 2? Tuloy ang pamamamahagi ng awards ng MTRCB sa 1st MTRCB TV Awards Night. Nailabas na ang mga nominees sa iba't ibang kategorya kahit nilimitahan ito. Gagawin ang awards night ngayong Friday, Sept. 4, 7:00 p.m. sa Gateway Cinema 5 sa Cubao. Lumikha kaya ng kontrobersiya ang mapipiling winners sa 1st MTRCB TV Awards Night? Source: Abante |