|
|
| Joey de Leon gustong maging miserable ang buhay ng pamilya ng pobreng Bicolano![]() Author: Butch Roldan SA press conference for Slendance ni Valerie Concepcion the other night sa 9501 resto, shocked talaga kami kung sino ang pinag-uusapang TV host/comedian na 'pumatol' sa isang tabloid entertainment editor. Usapan, kung hindi magre-retract ang said entertainment ed sa kanyang sinulat sa iniedit na tabloid, aalis si TV host/ comedian sa broadsheet na sister publication ng tabloid kung saan naman mayroon itong kolum. Hindi raw magre-retract si entertainment ed kaya ititigil na ni TV host/comedian ang kanyang kolum sa sister publication ng tabloid ni entertainment ed. Usapan pa, aalis din si TV host/comedian sa lahat ng programa niya sa kinabibilangang network kung iimbitahan si entertainment ed sa mga presscon dito. Dahil kararating lang namin sa Slendance presscon for Valerie at 'di nga namin alam kung sinu-sino ang pinag-uusapan, nag-usisa na talaga kami. At 'yun nga, hindi kami makapaniwala dahil sina Joey de Leon ng Eat Bulaga, Nuts Entertainment, etc. ng GMA-7 pala at kababayan (Kabikolnun) naming si Dindo Balares na showbiz editor ng Balita, sister publication ng Manila Bulletin ang subjects. Sa isip ng inyong lingkod, bakit naman papatulan ng isang beterano nang si Joey ang isang baguhan sa showbiz at pobreng Bikolanong entertainment editor na tulad ni Dindo? Pero, ganun nga raw talaga ang nangyari at i-nere pa mismo sa Startalk nitong si Joey ang kanyang pagngingitngit sa sinulat ni Dindo na diumano'y 'nilangaw' ang Eat Bulaga nang magpalabas ito nang live sa Amaerika kamakailan. Sa isip ulit namin, sobrang sakit ba ng damdamin ang ibinigay kay TV host/comedian ng sinulat ni Dindo kung kaya gusto niya itong 'balikan' sa pamamagitan ng 'threat' na ititigil niya ang kolum sa Bulletin kapag hindi binawi ng entertainment ed ang komento tungkol sa pag-flop ng EB sa live show nito sa Tate? Gayundin, kapag kinumbida si Dindo sa anumang presscon ng GMA-7, mag-aalsa-balutan din siya sa mga programa niya sa Kapuso? Tipong ang ibig sabihin nitong TV comedian/host, kung hindi magre-retract si Dindo ay tanggalin na lang nila ito sa pagiging editor, pero kung hindi ay siya ang aalis. Ganundin ang 'threat' nito sa pamunuan ng Kapuso network, na kung iimbitahan nila sa anumang presscon nila si Dindo, lalayas siya sa mga programang kanyang nilalabasan dito. Balita namin, 'pinalayas' na lang ng Bulletin si Joey. Wala pa kaming alam kung ano naman ang desisyon ng GMA-7 sa 'threat' ni Joey. Speaking of Bikolanong si Dindo, gets na namin ang panulat nito noon pa. Siya 'yung tipo ng reporter na hangga't maaari ay sasalungat sa current issues. Kapag may nabasa siyang puro puri sa isang pelikula, TV shows o mga artista, hahanapin naman niya ang kabaliktaran nito. Kasi, ganun naman talaga ang isang legit reporter, palaging naghahanap ng katotohanan sa kabila ng mga kuwento, lalo pa si Dindo na hinasa ang kaisipan ng progresibong kultura ng Jesuit priests sa Ateneo de Naga kung saan pareho kaming nag-aral sa kolehiyo at nagtapos. Sa totoo lang kasi, mayroon naman talagang istorya sa kabila ng istorya. Wika nga, palaging may 'magkabilang mukha ang isang coin. ' At sa kaso ng live show sa U. S. ng Eat Bulaga na isinulat ng ilang reporters na patok na patok daw, hinanap ni Dindo ang katotohanan. At nalaman niyang nag-flop pala 'yun. At ang 'tuklas' na 'yun nga ang kanyang isinulat, na ikinagalit naman nang husto ni Joey. Wala namang masama kung magalit si Joey kay Dindo. Wala ring masama kahit ipagsigawan man niya sa kanyang mga programa ang kanyang pagngingitngit. Ang talagang 'nakaririmarim' ay 'yung paghigantihan ni Joey de Leon si Dindo sa pamamagitan ng pagpapatanggal sa kanya sa trabaho o pinagkakakitaan na siyang ibinubuhay niya sa pamilya. Nais gawing miserable ng TV host/comedian ang buhay ng pamilya ng pobreng Bikolanong si Dindo na lumuwas sa Maynila, pinasok ang makislap na entertainment world at nagsisikap mapag-aral ang mga anak para sa magandang kinabukan ng mga ito. Anong klaseng kaisipan o pagkatao meron itong si Joey na dahil lang sa 'natuklasan' at isinulat ay patatanggalan na niya ng hanapbuhay ang isang reporter? Kung below the belt ta-laga ang inireport ni Dindo, puwede namang idimanda na lang niya ito o kaya ay hinamon na lang niya ng suntukan. Kaya lang, nang malaman namin ang pagiging compassionate niya sa kapuwa, respeto sa mga nakatatanda at ganundin sa mga nakababata sa kanya, gumaan ang loob namin kay Willie. Sa pagkakaalam namin, hindi naging ugali ni Willie ang maging mistulang inaheng manok na putak nang putak masaling lang nang bahagya. Inirirespeto ni Willie ang anumang puna sa kanya o sa kanyang show sobrang negatibo man ang mga 'yun. Kaya naman siguro, bless na bless siya at buong puso ang pagtanggap sa kanya ng lahat ng mga Pinoy abroad. Nagtatanim ng kabutihan si Willie maging du'n sa mga bumabatikos sa kanya. Dumalaw kami last Saturday sa Wowoweee at nakita namin ang napakarami niyang fans and supporters na mga nagwu-work abroad na nasiuwi lang yata sa Pilipinas para puntahan siya sa mismong studio ng Wowoweee. By the way, mayroong pinakabagong Kapamilya game portion ang Wowoweee titled Coca Cola Fifty Million Family Panalo na inilunsad last Saturday (Aug. 2). Source: Taliba |