Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Joey de Leon, magri-retire sa "Eat Bulaga" pag napatunayang 'tinitra' niya ang pangalan ni Nora Aunor!

Joey de Leon, magri-retire sa "Eat Bulaga" pag napatunayang 'tinitra' niya ang pangalan ni Nora Aunor!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

BINABANATAN talaga si Joey de Leon ngayon ng ilang kolumnista sa tabloid, may name man o wala, dahil sa mga biro niya sa Eat Bulaga lalo na sa isyu ngayon kay Nora Aunor.

Sumimple kami ng reaksyon ni Joey tungkol sa mga biradang �yon nang pumasyal kami sa Eat Bulaga. Hindi muna namin tinukoy ang personalidad na involved.

"Wala! Okey lang! Tirahan lang! Eh, wala naman, eh. Wala namang ano. Anong tawag du�n?

"Walang saysay �yung mga tira nila dahil..." bitin niyang pahayag.

Hindi naman ba naapektuhan ang trabaho niya?

"Wala! Ano ba in particular?" tanong na ni Joey sa amin.

�Yung Nora Aunor isyu?

"Hindi. �Yung sa maka-Nora, gusto ko ngang ipahatid sa iniidolo ninyo, ayoko ngang banggitin, eh. Sabi ko, kapag sila�y nakapag-present ng isang ebidensya o tape na binanggit ko ang pangalan ng pinagtatanggol nilang tao, eh, magre-retire ako!

"Wala. Never kong binanggit �yung ganoon. Kaibigan tayo, eh. Alam ko, sinusulsulan lang �yan ng ibang sektor, eh.

"Oo, nagku-conclude agad! Saka pag sinabi kong si Sharon Cuneta ay payat, o, puwedeng magalit ang mga Sharonians!

"Kung sinabi kong si Vilma Santos ay hindi marunong sumayaw, may karapatang magalit ang mga Vilmanians!

"Pero kapag sinabi ko lang na hindi marunong sumayaw, o, payatot, wala kayong karapatang magalit dahil walang pangalan!

"Ganoon din �yung tooter! Kapag sinabi kong tooter, hindi kayo ang may-ari ng tooter sa buong mundo! Huwag kayong magre-react! �Yun ang sinasabi ko. Huwag kayong magre-react!

"Iniisip ninyo na kayo agad �yon. Hindi namin kayo gaganunin.

"At hangga�t wala akong binabanggit na pangalan, na solid ng idol ninyo o ng ipinagtatangol ninyo, huwag kayong magre-react dahil hindi ko sinabi!

"Mas magalit kayo sa news dahil sa news, sa mga tsismis news, �yon, talagang binabanggit ang pangalan ng idol ninyo! At kung anuman ang nakakabit na problema sa buhay niya.

"Ako, hindi, eh. May nagsusulsol sa inyo na magalit kayo sa akin dahil binanggit ko raw �yung tooter. �Yan ang sinasabi ko sa inyo. Hindi ninyo pag-aari ang tooter sa buong mundo!

"Huwag kayong magalit! Siguro kami lang ang show na nagbibigay-buhay sa hinahangaan ninyo dahil sa mahal na mahal namin si Teri (Onor)!

"Kaya huwag kayong magre-react. Huwag kayong padadala sa mga sulsol ng kalaban at ng ibang tao!

"Alam mo, parang Michael Jackson �yan, eh. Nasa news ka. Hindi mo maiiwasan.

"Pero ako, mag-present kayo ng isang tape na sinabi ko ang pangalan ng mahal ninyo, hindi ko binanggit kahit minsan!

"Magre-retire ako pag may nakita kayong tape na sinabi ko ang pangalan ng idol ninyo at idinugtong ko sa kung anumang gulo na kinasasangkutan niya!

"Okey, salamat!" pagtatapos ni Joey.

Bukas sa Startalk, abangan din ninyo ang live na pagsagot ni Joey sa mga batikos sa kanya sa isyung ito at iba pa, huh!

***

Sisibakin na rin ang Naks! nina Benjie Paras at Bearwin Meily! Ilang weeks na rin kasi itong pinatataob sa ratings ng Goin� Bulilit ng Dos.

Wala na kasing bagong makita sa show na ito nina Benjie at Bearwin na dapat ay isang season lang ipinalabas. Ang makakatapat ng GB ng Dos sa Siyete ay isang show rin ng mga bata. So, mga kabataan naman ang isasalang na magkalaban ng dalawang network, huh!

Komento nga ng isang writer sa mataas na ratings ng Goin� Bulilit, �yun lang daw kasi ang show ng Dos na malinis ang mga artista dahil mga bata pa ito! Ano kaya ang ibig sabihin ng writer na �yon sa komento niya?

***

Naliligaw ang mga tao sa kung ano talaga ang magiging tema ng bagong series ni Richard Gutierrez na Sugo. Lumitaw ang balita noon na parang ala-Karate Kid ang format nito. Nag-train pa nga raw ng karate at iba pang martial-arts si Richard para sa serye.

Then, may lumabas na may hawig ito sa foreign series na Date With An Angel na hit doon. Tutal naman daw, uso ang liparan sa Siyete, kaya paliparin na rin muli si Richard at iba pang cast.

Pero heto ang latest. Hindi karate at hindi tungkol sa angels ang Sugo. Isa raw itong horror series para maiba sa Darna at Encantadia.

Ah, ito marahil Sugo ang ipanlalaban sa Kampanerang Kuba ng Dos na horror din ang tema, di ba? Hay naku, whatever man ang tema ng Sugo, gandahan ang script at direksyon para sure na magugustuhan ng mga tao, �noh!

***

For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante