Joey de Leon, to sit on Who Wants to be a Millionaire's hot seat Author: Glen Sibonga Sunud-sunod ang special episodes ng TV5 sa kanilang mga shows ngayong August kaugnay ng pagdiriwang ng unang taon ng TV5.
Naging espesyal ang pagbisita ng mga ipinagmamalaking hosts ng mga popular shows ng TV5 sa iba pa nilang mga programa. Gaya na lamang ng nangyaring pagko-crossover nina Lucy Torres-Gomez at Ryan Agoncillo sa shows ng isa't isa na Shall We Dance at Talentadong Pinoy, respectively.
Ngayong Sabado naman, August 22, ang host naman ng Wow Mali na si Joey de Leon ang magpapainit sa hot seat at haharap sa kumpare niyang si Bossing Vic Sotto sa Who Wants to be a Millionaire?
Tiyak na mapupuno ng katatawanan ang episode na ito dahil sa pagsasama ng dalawang tinitingala sa comedy scene. Magtatagisan din ng talino ang dalawa dahil kilala rin sila sa pagiging magaling at kowledgeable sa maraming bagay.
Matatamaan kaya ni Joey ang 2 million-peso jackpot prize, o baka mapa-wow mali siya sa mga sagot niya sa hot seat? Find out on Saturday, August 22, 6 p.m. sa kwelang episode na ito ng Who Wants to be a Millionaire? sa TV5.Source: Philippine Entertainment Portal |