|
|
| Joey, may pasasabugin sa 'Eat Bulaga'! Assunta, bilib na bilib kay KC!![]() Author: Jun Nardo MARAMING pasabog at sikreto ang ibubunyag ngayong Lunes sa Eat Bulaga bilang bahagi ng 30th anniversary ng programa. Ngayong araw ring ito ang pagbabalik ni Joey de Leon mula sa dalawang linggong paglilibot sa Europe upang mag-taping ng anniversary episodes ng Mel & Joey, kaya siguradong may malaking pasabog din siya. Bukod sa mga pasabog at sikrteo, maglalaro sa Pinoy Henyo ang nakaaaliw at nakababaliw na sina Yaya at Angelina (Michael V. at Ogie Alcasid). May iba pang guests na magsasabog ng kasiyahan sa longest noontime show. Magbibigay rin ng special awards ang Bulaga para sa mga natatanging 'bayani' ng bansa na nakatulong at nakagawa ng paglilingkod sa mamamayan, huh! Higit na pinagbubuti ngayon ng Bulaga ang mga segments sa show lalo na at inspirado ang buong hosts at staff dahil kelan lang ay naging number one ang show sa buong bansa sa national ratings!*** Hindi kailangang mamalimos ni Assunta de Rossi upang magbigyan siya ng regular shows. Ang pagiging mahusay niyang artista ang pangunahing dahilan kaya nabiyayaan siya ng importanteng role sa Lovers in Paris nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Si Assunta ang aapi kay KC sa remake ng Koreanovela na mapapanood simula sa Sept. 28. Pero ayon sa aktres, malaki man ang pagkatao ng anak ni Sharon Cuneta, very down to earth ito. “Wala nga siyang sariling dressing room. Kaya nga nakakabilib ang batang 'yan,” pagmamalaki ni Assunta sa co-star.*** Kung sina Piolo at KC ay sa December pa magasasabi sa nababalitang relasyon nila, sina Mark Herras at Jennylyn Mercado naman ay napipinto na ang balikan/romansa sa muling pagsasama sa bago nilang series na Ikaw Sana. Hindi na nag-inarte si Mark sa pagsasabing meron pa siyang pagnanasa sa dating girlfriend kahit na nga dedma lang si Jen sa pahayag nito. Malay naman natin, baka bumigay muli si Jen kay Mark kapag naramdaman niyang emotionally mature na ang aktor at hindi na babaero, huh! Ha! Ha! Ha!*** Happy, happy birthday today kay Jerry Olea, entertainment editor ng Abante Tonite. Kahapon ang joint party nila ng aming editor naman na si Dondon Sermino sa Barrakz kaya nakaka-LL (luwag-luwag!) sila ngayon! Source: Abante |