|
|
| Joey, nagkasakit kaya 'di nakapunta sa concert ni Toni!![]() Author: Jun Nardo NAKASUPORTA muli ang boyfriend ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano sa nakaraang repeat ng concert ng TV host-singer-actress sa Aliw Theater last May 2. Nasa isang sulok lang ito sa backstage ng Aliw at lumalapit lang nung tawagin ni Toni. At least, hindi siya kagaya ng ibang dyowa ng sikat na celebrity na throwing his weight around kapag may okasyon ang girlfriend, huh! That night, Toni proved na malaki rin ang following niya bilang concert artist. Hindi man punumpuno kagaya nu'ng unang show, marami pa ring nanoood. Eh, sa harapan ng Aliw, may nagaganap na beauty pageant kaugnay ng Aliwan Fiesta ng MBC, at nakatulong daw 'yon para dumami ang walk in sa concert ni Toni. Eh, in fairness kay Toni, hindi naman ito naging maramot ipakita ang kaseksihan sa concert. Kahit aminadong hindi seksi, naglabas pa rin siya ng legs at plunging neckline nang sa gayon, mahalina rin ang crowd sa katawan niya. Dahil present din kami sa unang Catch Me...Toni, binago rin niya ang ilang kanta sa repeat. Mas makabago ang mga ito pero siyempre, present pa rin ang hit songs niyang Kasalanan Ko Ba? at Catch Me. Ang nadagdag na guests sa repeat ng concert ni Toni ay sina Gerald Anderson at Vice Ganda. Join uli sa repeat sina Sam Milby at Allan K. Dapat sana ay surprise guest sa concert si Joey de Leon pero nagkasakit ito kaya hindi nakarating. 'Pag nagkataon, na-surprise talaga si Toni, huh! Congrats, Toni! Magkasama palang muli sina Janno Gibbs at Richard Gutierrez sa bagong teleserye nito na Code Name: Asero, na kapalit ng Kamandag. Huling nagsama ang dalawa sa Lupin at Inspector Clavio ang role ni Janno na nagungulit kay Lupin/Richard. Tulad sa Lupin, sidekick ni Chard ang role ni Janno sa Asero. This Wednesday ang lipad niya kasama ang grupo papuntang Dubai upang doon simulan ang series. Dahil off the air muna ang game show na Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, siyempre, excited uli si Janno sa pagkakaroon ng teleserye. Plano niyang baguhin naman ang kanyang looks sa Asero. “Looks lang naman ang mababago. 'Yung pagdating ng late, nandoon pa rin! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Janno habang nagpapahinga sa ginawa niyang In-Janno Jones sa Zirkoh-Timog last Saturday.*** For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com. Source: Abante |