Nov 20
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

John Lapus at Rufa Mae magkamukha na!

SEEN:  Ang guesting kahapon ni Charice Pempengco sa The Buzz at ang kanyang imbitasyon sa televiewers na tangkilikin ang kanyang record album. " Please grab a copy of my " first debut" album! First na, debut pa!SCENE: Ang gross-to-date ng mga peli...

 

John Lapus at Rufa Mae magkamukha na!

Column: Seen Scene
Author: Pilipino Star Ngayon

SEEN:  Ang guesting kahapon ni Charice Pempengco sa The Buzz at ang kanyang imbitasyon sa televiewers na tangkilikin ang kanyang record album. " Please grab a copy of my " first debut" album! First na, debut pa!

SCENE: Ang gross-to-date ng mga pelikula na nagbukas sa mga sinehan sa Pilipinas noong April 30:  Iron Man ( Paramount Pictures )- P41,610,000 ( April 30-P14,880,000, May 1- P 17,310,000, May 2- P9,420,000 ) When Love Begins  (Star Cinema )- P25,350,000   ( April 30- P6,430,000, May 1-P11,810,000, May 2- P7,110,000 ) Ploning (Panoramanila ) - P5,740,000 (April 30-P1,370,000, May 1- P3,210,000, May 2-P1,160,000 )

SEEN: Ang transformation ni Bearwin Meily. Dating komedyante na naging magician. Magic ang biglang pagiging Inglisero ni Bearwin kaya hindi na maka-relate sa kanya ang fans na masang-masa.

SCENE: Si Cristy Fermin sa The Buzz. Ang pagbabalik ni Cristy sa The Buzz ang ebidensya na hindi totoo na nag-resign na siya at babalik sa show si Kris Aquino. Si Kris ang pumalit kay Cristy sa dalawang linggo na pagkawala nito sa The Buzz, bunga ng pagpunta niya sa Canada.

SEEN: Magkamukha na sina John Lapus at Rufa Mae Quinto. Napansin ito ng PSG kapag magkalapit sina John at Rufa Mae sa Showbiz Central.

SCENE: Unreconcilable differences ang sinabi ni Heart Evangelsita sa TV  na ugat ng break-up nila ni Jericho Rosales. Heart, baka IRReconcilable differences ang nais mo na sabihin?

Source: The Philippine Star