|
|
| John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez "spotted" in a swanky hotel in Beverly Hills![]() Author: Jocelyn Dimaculangan Matapos ibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang iba't ibang pagkakataon na nakitang magkasama sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez sa Pilipinas at sa Estados Unidos, may mga PEPsters na nagpatotoo na nakita nga nilang magkasama ang dalawa.
Sa naturang larawan, nakatalikod ang isang lalake, na naka-blue na T-shirt at may baseball cap, may backpack, at hila-hila ang isang luggage na may gulong. Samantala, ang babae naman ay nakasuot ng asymmetrical dress at gladiator sandals, at may sukbit na malaking shoulder bag. Ayon sa source ng PEP, ang mga ito ay sina Ruffa at John Lloyd. Nakita raw niyang bumaba ang dalawa mula sa isang black limousine bago sila pumasok sa SLS Hotel. Doon sila nakuhanan ng litrato. Source: Philippine Entertainment Portal |