| | John Lloyd Cruz comments on his leading ladies' supposed involvement in video scandals Author: Julie Bonifacio For three consecutive years na ngayong endorser ng Biogesic si John Lloyd Cruz. Sa presscon ni Lloydie for Biogesic ipinakita ang latest TV commercial niya with a cousin and a nephew. Sa naturang TVC sinabi ng supposed to be cousin niya na pwede na siyang mag-asawa. In real life ba pwede na nga ba siyang mag-asawa? "I don't think pipiliin ko siya at this point in my life. Ah, sa tingn ko marami pa ako'ng pwedeng ibigay bilang isang individual at marami pa ako'ng maiko-contribute sa business na ito bilang single, single na lalaki. Siyemrpe kapag pinili mo ang mag-asawa marami ka'ng kailangang isakripisyo. At this point hindi pa ako willing i-give up lahat ng meron ako," lahad ni John Lloyd. Totoo ba na nag-attempt siya na ligawan si Sarah Geronimo pagkatapos nilang mag-break ni Liz Uy? Tapos pinaghintay ka raw ng five years ni Sarah dahil hindi pa raw siya ready? " Hindi, wala. Hindi po, hindi. 'Tsaka wala naman, hindi naman tayo naniniwala sa ligawan. 'Yung tinatawag na courtship and hindi rin naman siguro ako nanligaw 'di ba?" Paano ba siya manligaw? " Nakahiga," biro ni John Lloyd. " Mali yata 'yung nakahiga. (laughs) Hindi, 'yung sa akin hindi 'yung process ng ligawan. Hindi 'yung courtship. Mas ano ako, e companionship, ' yung you spend time together. Mas ganu'n. You get ano with other, h indi 'yung aakyat ka ng ligaw and best foot forward." Natanong na din naming si John Lloyd tungkol sa kanyang I Love Betty La Fea co-star na si Maricar Reyes na nakasama sa sex video scandal ni Hayden Kho. Ano ang pagkakakilala niya kay Maricar? " Nagkatrabaho po kami and I think it's just right na hanggang doon na lang ang masasabi ko at this point." Hindi sila nagkausap man lang sa set or something? " May mga personal opinions ako pero siguro I think it's best to keep to myself na lang kasi mahirap magsalita because napaka-sensitve ng issue na 'yan. Umabot na 'yan sa Senate." But is she attractive in person? " Lahat po ng babae sa tingin ko ay depende po 'yan sa tumitingin." Napanood ba niya 'yung sex video ni Maricar? " Ang napanood ko lang po, ang tanging napanood ko lang 'yung video n a may sumasayaw. 'Yun lang. After noon, wala na ako'ng pinanood sabi ko, nag-decide ako na huwag manood ng kahit na ano. Ayun." Kaugnay nito, may kumakalat na bulung-bulungan na may video rin daw ang kalabtim niyang si Bea Alonzo? " Naku, sabi ko nga mahirap magsalita sa issue na 'yan because, naku, 'pag sinimulan, kahit na dati marami ng videos na lumabas. Ah, siguro ang isang bagay na masasabi ko lang din, siguro 'yung mga personalites na involved sa isyu na ito siguro mas mataas doon sa mga ganitong klaseng scandal. And nakakalungkot lang, because ah, hindi naman gaanong matagal ang nakakalipas na may artistang babae rin na na-invovled sa mga ganyang scandals and kumalat ang video nila pero hindi naman din ganito 'yung suporta ang nakuha. I mean, hindi ba nakakalungkot 'yon? Ewan ko. Ano ba ang punto ng mga gustong tumulong doon sa mga involved na tao. Pero it's been happening in the past, ah, itong kailan lang nangyari 'yan pero parang hindi naman lumaki. Ngayon kung sa sinu-sino ng pangalan ang lumalabas nadadamay, hindi na siguro, parang pwede na nila sigurong imbentuhin 'yun kung sino ang gusto nilang idamay," tapos ni John Lloyd. Source: ABS-CBN Interactive |
|