Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd Cruz on his love life: 'Steady lang siya diyan'

John Lloyd Cruz on his love life: 'Steady lang siya diyan'

Author: Julie Bonifacio

Still fresh from his recent shoot sa New York, nakausap ng ABS-CBN.com ang actor na si John Lloyd Cruz after ng " ASAP '09" last Sunday. Hindi pa man nakakabalik ng Pilipinas si John Lloyd at co-stars niya sa pelikulang " In My Life" na sina Batangas Governor Vilma Santos at Luis Manzano from New York ay marami na ang mga naglabasang mga litrato nila na kuha sa shoot ng mga Pinoy na nandu'n. "Well, ' yun 'yung ano gusto sana naming maayos. Kasi hina-hype nila ang maling idea about the film. Unang-una hindi naman siya gay picture. Alam mo nahihiya na nga ako kay Ate Vi kasi, unang-una, hindi namin ito pelikula ni Luis, e. pelikula ito ni Ate Vi, maaaring naming tatlo. Pero there's Ate Vi. Alam mo 'yun? So, dito kapag pinanood ninyo ito, ang dapat pag-usapan dito ay 'yung first time makikita mo si Ate Vi sa ganitong klase ng character. ' Yung character mo mismo. I don't think nakita na ng kahit na sino si Ate Vi sa ganitong persona. May mga eksena siyang nahuhulog siya sa basurahan. 'Tsaka nakakatawa. Ibang-iba 'yung Ate Vi na makikita ninyo and I think 'yun ang dapat na bigyan natin ng hype," John Lloyd explained. Marami pa raw silang eksena ni Governor Vi ang hindi pa nakukunan. " Kasi alam naman nating lahat na sa New York ang kinukunan lang 'yung exterior. Kung may interior man 'yung mga hindi namin kayang dayain dito. So, 'yung mga highlight, 'yung mga confrontation, wala pa kaming ganu'ng nagagawa."

Kasagsagan ng shoot ni John Lloyd sa New York nu'ng lumaki ang isyu na hiwalay na sila ng fashion editor na girlfriend niya, si Liz Uy. Sinubukan naming kunin ang katotohanan dito mula mismo kay John Lloyd. Kumusta ang puso niya? "Steady lang siya d'yan. Tumitibok pa rin naman siya. Nagpa-pump pa rin ang blood," biro ni Lloydie. Meron na ba siyang bagong inspirasyon? "Okay lang siya d'yan," biro ulit niya. "Hindi, alam mo, ganito na lang. Darating 'yung panahon na etong isyu na ito ay mapapaliwanag ko sa magandang paraan, sa mas malinaw na paraan. Pero for the mean time, hihilingin ko siguro na hayaan ninyo muna ito as it is. Pero darating tayo doon. Pagdating natin doon, mas magandnag pag-usapan 'yun kasi kumbaga mas natural na 'yung flow niya out of my system. Sa ngayon, ano, mahirap lang kasi maraming factors kung saan mo ilulugar ang sarili mo bilang lalaki, bilang galing doon, so mahirap. 'Yun na muna. 'Yun na muna ang mahihiling ko," pakiusap ni John Lloyd.

Dawit ang mga pangalan nina Ruffa Gutierrez at Sarah Geronimo sa break-up daw nila ni Liz. " Mahirap naman kasi 'yun. Kahit nga si Sarah lumalabas din ang pangalan niya and hindi 'yun fair. Nakakahiya naman sa kanila. Ah, wala namang ...hindi naman sila kasali. Not in anyway." Samantala, may kumalat ding e-mail na nakita raw sila ni Ruffa na magaksama sa hotel. At sa loob daw ng kuwartong pinanggalingan diumano nila ni Ruffa ay may nakitang nakakalat na gamit na condoms. " Naman!" bulalas ng actor. Alam mo nagkasama kami ni Ruffa sa hotel party ng (I Love) Betty 'yun. Hindi 'yun date. Kasama namin sina Me (Merylle Soriano), Thou (Reyes, sina Joem (Bascon), even sina Direk Erik (Salud). So, alam mo 'yun? Party ' yun. Si Bea (Alonzo) andu'n din." Pagkatapos ng party ng 'I Love Betty La Fea' nagkani-kanya na ba sila ng uwi ni Ruffa? " Nag-stay kami doon." Ano ang initial reaction niya nu'ng malaman niya ang tungkol sa malisyong e-mail? `" Nakakahiya. Medyo sensitibo 'yan kasi may pamilya 'yung tao. Alam mo 'yun? Ayaw nating magkaroon ng maling impression. And I don't think si Ruffa would ano allow herself to be involved in a situation that will disgrace the name of her family ' di ba? Hindi magandang ano, hindi magandang palahihin kasi nakakahiya lalo na ngayon, Diyos Ko! 'Yung pinagdadaanan nila, si Richard (Gutierrez) naaksidente, may isa pa'ng buhay na nawala. So, alam mo 'yun?" Siya ba si Popsicle na tinutukoy na bagong inspirasyon ngayon ni Ruffa? "Ha? Pops Fernandez! Ano'ng popsicle? Kung papangalanan naman siguro ako ng babae ayoko ng popsicle. Hahaha! 'Di ba?" Drumstick pwede? "Bakit ice cream? Nauubos 'yun, e. 'Tsaka 'pag mainit, paano 'pag malamig wala ka na. Hindi ka na kakailanganin." But is it posible rin na ma-in love siya sa beauty ni Ruffa? " Diyos ko! Miss World 'yun, e.. 'Di ba?" Hindi importante sa kanya kung may anak na ang babaeng mamahalin niya? " Alam mo kahit naman kanino lalaki kapag when it happens to you wala ka ng magagawa. Kahit nasa preso pa 'yan, kahit na 'di ba ngayon? So, alam mo hindi na 'yan ang pinag-uusapan, eh."

Speaking of "I Love Betty La Fea," may kasunod ba sila na movie ni Bea? " Meron, after daw ng movie namin with Ate Vi. Pero wala pa'ng title. Hopefully, first quarter of 2010. Kasi ipapalabas 'yung kay Ate Vi ang target nila September." Paano 'yung movie nila ni Sarah na nabalitang pang-Valentine presentation din ng Star Cinema next year? "No, no, no. Bea muna and then Sarah. Kung maihahabol ni Tita Malou (Santos, Managing Director ng Star Cinema) ' yung Bea-John Lloyd sa loob ng 2009, baka pwede pa 'yung John Lloyd-Sarah ng February." What about his new teleserye? " Sabi nila with Angel (Locsin). Hindi ko pa alam kung ano 'yung istorya. Wala pa, e." Kumpirmadong si John Lloyd na nga ang bagong hottest male star ng ABS-CBN at Star Cinema Productions dahil ipina-partner na talaga siya sa malalaking female stars ng kumpanya. " Oo (iba-ibang leading ladies), e. Umabot na nga sa leading man, e," sabay tawa ni John Lloyd.

Source: ABS-CBN Interactive