| | John Lloyd Cruz says Ruffa Gutierrez and Sarah Geronimo have nothing to do with his break up with Liz Uy Author: Bernie Franco Pagkatapos kumpirmahin ni John Lloyd Cruz kamakailan na wala na sila ng girlfriend niyang si Liz Uy, isang fashion editor at stylist, tumanggi naman ang aktor na mag-detalye hinggil dito. Respeto na lamang ito sa kanyang ex-girlfriend na ngayon ay nasa Europe pa at nagbabakasyon. Dagdag ni Lloydie, magsasalita siya sa tamang panahon. "May mga emotions ng mga taong mahalaga sa akin ang involved, so ayoko naman na masagasaan 'yon," bungad ng binata. "So for now, 'yun muna ang hihingin ko sa mga tao, mga fans, sa mga press na mabibigyan n'yo ako ng panahon and in due time, makapagbibigay ako ng mas magandang statement." Samantala, ipinagtanggol naman ni Lloydie ang dalawang babaeng nadadawit at itinuturo umanong dahilan ng breakup nila ni Liz, sina Sarah Geronimo at Ruffa Gutierrez. Naging ka-love team ni Lloydie si Sarah sa pelikulang A Very Special Love and You Changed My Life samantalang nagkasama sila ni Ruffa sa teleseryeng I Love Betty La Fea. "Nakakahiya. Nahihiya ako sa kanila," giit ng aktor. "Hindi fair para sa kanilang dalawa." At dahil sa pagkaladkad sa pangalan nila sa issue ay humingi ng paumanhin si Lloydie. "First, gusto kong mag-apologize dahil nadadamay 'yung pangalan nila. Kay Sarah and si Ruffa. Unang-una hindi naman kasi sila ganung klaseng babae to run after a guy na committed. Nakakahiya nga sa kanila eh, sa totoo lang," paliwanag ng aktor. Hindi ipinagkaila ni Lloydie na naging espesyal si Sarah sa kanya dahil sa kanilang blockbuster hits. "Hindi ko ipinagkakaila na si Sarah naging special naman talaga sa akin. Special ang tao na 'yon. Pero it doesn't follow na dahil special sa 'yo ang tao na 'yon liligawan mo na," anang aktor. Sa interview kamakailan kay Sarah ay sinabi nitong wala sa personalidad niya ang gawin ang ibinibintang sa kanya dahil ayaw rin niyang mangyari sa kanya ang ganoong bagay. Ganito rin ang tinuran ni Lloydie pagdating kay Ruffa. "Walang kami ni Ruffa. Nahihiya ako. Kasi ang mga tao nung inaakala nila na si ruffa ang naging dahilan ng breakup naming," depensa ng binata. "Huwag naman nating i-underestimate 'yung intelligence ng tao. Hindi rin naman biro ang pinagdaanan ni Ruffa pagdating sa ganyang relationships. Hindi naman ganung klaseng babae si Ruffa I don't think she's capable of doing something like that." Source: ABS-CBN Interactive |
|