Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd at Cristine nahuling magkayakap at naghahalikan

John Lloyd at Cristine nahuling magkayakap at naghahalikan

Author: Beth Gelena

NAKU, ano kaya ang masasabi ni Ruffa Gutierrez sa balitang nag-date sina John Lloyd Cruz at Cristine Reyes noong Martes ng gabi (July 14) sa isang bar sa may Katipunan. May nakakita sa dalawa na magkayakap at naghahalikan.

Pinabulaanan naman ito ng taong malapit sa aktor. Coincidence lang daw ang pagkikita nina Lloydie at Cristine at "hi" and "hello" lang daw ang batian nila.

* * *

MULING napapanood ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa boobtube.

Pasok ang komedyana sa teleserye ng ABS-CBN, ang May Bukas Pa. Hindi pagpapatawa, magdadrama si Ai Ai dito. Honored si Ai Ai na mabigyan ng ganitong klaseng role lalo na't ang ma-kakasama niya ay ang batang si Zaijian Jaranilla bilang Santino, na sobrang malapit kay 'Bro. '

"Sabi nga nila, lahat ng nagi-guest dito ay bini-bless, kaya natutuwa ako at honored na nakasama rito sa May Bukas Pa," sambit ng co-host ni Ruffa Gutierrez sa Ruffa & Ai, morning show ng Dos.

Bilib ang komedyana sa bilis magmemorya ni Zaijian ng mga linya sa eksena.

* * *

WALANG gaanong ginagawang proyekto ang sexy-actress na si Ara Mina, pero gustung-gusto naman siyang ini-interview ng movie press.

Natutuwa naman ang dalaga dahil kahit hindi siya umaarte ay nakakaraket pa rin siya dahil may talento naman talaga sa pagkanta. Kamakailan lang ay nag-show sa ibang bansa si Ara kasama sina Toni Gonzaga at Vice Ganda. Sobrang saya ni Ara, dahil sa rami ng na-nonood na mga Pinoy sa U. S. tour show nila. Dahil success ang show ay babalik si Ara sa November para muling pasayahin ang mga Pinoy roon.

Habang rumaraket sa abroad ang dalaga ay muli na namang naging controversial ang younger sister niyang si Cristine Reyes. Nang tanu-ngin ng TV Patrol si Ara sa muling paglipat ni Cristine sa GMA7, sinabi niyang na-banggit daw ni Cristine na li-lipat nga ito. Pero, kung ano naman daw ang desisyon ng nakababatang kapatid ay hinahayaan na lang muna niya.

Nabanggit din ni Ara na kung lilipat si Cristine, sana raw ay magpaalam ito nang maayos. 'Yon daw ang kanyang ginawa kaya puwede siyang magtrabaho sa dalawang malalaking istasyon, ABS-CBN at GMA7. Mukhang minasama naman ni Cristine ang sinabi ng nakatatandang kapatid. May nakarating sa amin na nag-react daw ang ngayo'y number one FHM cover girl dahil ang dating daw dito sa sina-bi ni Ara ay parang pinapa-ngaralan siya on-air.

* * *

KAYA pala matagal-tagal ding hindi naging visible sa showbiz itong si Ahron Villena ay dahil tinapos muna niya ang pag-aaral.

Sa mga hindi nakakaalam, si Ahron ang winner noon sa segment ng noontime show na Magandang Tanghali Bayan, ang TV Idol -- Ur D Man. Sa pagbabalik ng young actor, kasama siya sa Precious Hearts Romances presents Bud Brothers.

Pero, may nasagap kaming balita na sa kanyang comeback-showbiz ay na-link agad sa napakakontrobersiyal ding baguhang actress na si Maricar Reyes. Biglang sikat si Maricar dahil sa sex-scandal nila ng dating boyfriend na si Hayden Kho.

Pero, walang maririnig na kung anupaman sa dalaga regarding on that issue. Tahimik lang ito at mas nagko-concentrate sa kanyang showbiz career.

Source: Taliba