Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd at non-showbiz GF, totoong nagkalabuan

Author: Vinia Vivar

HABANG ginagawa ni John Lloyd Cruz ang You Changed My Life with Sarah Geronimo, isang napakahalagang bagay daw ang natutunan niya about love, kaya very memorable sa kanya ang movie na ito.

"Lagi nating kina-quantify ang pag-ibig, kung sino ba ang mas nagmamahal, gaya ng 'mas mahal kita, mas mahal mo ako,' pero ang isang taong nagmamahal, maaaring 'yun na 'yung best niya. Pero maaaring sa taong minamahal niya ay hindi pa.

"My greatest learning sa paggawa ng pelikulang ito, kung ito man ang best ko at kulang pa rin sa 'yo, at least minahal kita the best way I know how.

"Kung pagkukulang ang pinag-uusapan, may kanya-kanya tayong konsepto ng pagmamamahal. I don't think na puwede mong kuwestyunin 'yon," sabi ni Lloydie.

Matatandaang naging bali-balita kasi nitong mga nakaraang linggo ang tungkol sa pagkakalabuan nila ng girlfriend na si Liz Uy.

Aminado naman si Lloydie na naging mahirap sa kanila ang mga nakaraang buwan dahil na rin sa higpit ng schedule niya.

"But not to a point na gusto na naming maghiwalay," sabi ni Lloydie.

Needless to say, naging very understanding marahil si Liz sa kanyang sitwasyon kaya hanggang ngayon ay okay pa sila, lalo pa nga't nag-dialogue pa si Lloydie na "Hindi ako madaling mahalin, eh," na ikinaloka ni Kris Aquino.

Tinanong din si Lloydie ni Kris kung sakali bang single siya ay liligawan niya ang leading lady sa You Changed My Life at patanong din ang sagot ng aktor.

"Puwede na ba siya?"

At this point, si Sarah na ang sumagot na allowed naman siyang magpaligaw, pero hindi pa siya ready na makipagrelasyon.

Samantala, ngayong gabi na gaganapin ang red carpet premiere night ng You Changed My Life sa SM Megamall at bukas (Wednesday) ang regular showing.

Inaasahang tulad ng naunang movie ng dalawa na A Very Special Love ay magiging blockbuster din ito sa takilya.

* * *

AYON kay Fanny Serrano, sobrang close sila ni Sharon Cuneta na puwede niyang masabi nang harapan kung mataba ito.

Sa ngayon daw, magiging honest siya sa pagsasabing mataba pa ito, kaya nga alanganin siyang hingan ito ng partisipasyon para sa Cosmetologie '09 project na gaganapin sa SMX Convention Center from Feb. 26-28.

Wish nga niya, sana ay mabawasan na ang pagtaba ng Megastar.

Nahingan din ng komento ang beauty icon tungkol kay Bebe Gandanghari.

Ayon kay Fanny, kung may babaguhin siya kay Bebe, ito ay ang marka ng balbas nito dahil obvious pa.

Bukod dito, gusto raw sana niyang tumaba pa nang kaunti si Bebe para naman magkaroon ng kaunting laman.

"Sa tingin ko, mas magiging babae ang dating kapag nagkalaman pa siya nang kaunti," say ni Tita Fanny.

"In fairness, maganda ang kanyang ngipin," dagdag pa ng beauty expert.

Anyway, ang Cosmetologie '09 ay first project ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association).

It is a three-day beauty fair offering seminars on makeup na si Fanny mismo ang magtuturo.

Since ayaw nga niyang mag-participate si Mega sa nasabing event, ang anak nitong si KC Concepcion ang kinuha niyang muse ng PICA.

Source: People's Tonight