Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd, dinenay ni Ruffa!

Author: Vinia Vivar

Pinabulaanan na ni Ruffa Gutierrez ang issue sa kanila ni John Lloyd Cruz na diumano'y nagde-date sila. May tsismis pang nakita raw sa condo unit ng young actor ang host ng Ruffa and Ai at The Buzz.

Ang nasabi lang ni Ruffa sa press na dumalaw sa kanya sa taping ng Ruffa and Ai recently ay, "ano ba 'yan, tapos na ang I Love Betty La Fea, huh?"

Ayon pa sa aktres-TV host, walang katotohanan ang tsismis at ayaw na niya itong pag-usapan pa dahil hindi nga totoo.

Ngayon lang na-link si Ruffa sa mas bata sa kanya kaya gusto naming maniwala na hindi totoo ang tsismis.

Kung titingnan ang track record ng mga nagiging boyfriend ng TV host-actress, we could say that Loydie is not her type. .. unless nagbago na ng taste ang unica hija ni Annabelle Rama, ha?

* * *

Napanood namin ang denial ni Nyoy Volante sa SNN: Showbiz News Ngayon last Monday tungkol sa utang niya at ng pamilya niya sa ex-girlfriend na si Nina.

First time na sumagot si Nyoy sa issue at klinaro niyang karamihan sa naibigay ni Nina na pera ay investment ng ex-girlfiend.

Hindi lang malinaw kung ano ba 'yung investment na 'yon at medyo malabo rin ang amount na naklaro niya dahil P600,000 lang ang sinabi niyang naibigay ni Nina sa kanya samantalang sa kuwento ng female singer, umabot na ito sa milyon.

Kung kami ay ordinaryong viewer na walang alam sa utangan nila, mas detalyado ang kuwento ni Nina at mas kapani-paniwala.

But then, hindi pa rin natin masasabi kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo, kaya hayaan na lang natin na ang korte ang humatol since umabot na ito sa demandahan.

Samantala, kabilang na rin pala si Nyoy sa talents ng ABS-CBN Star Magic, kaya expect to see him more often sa mga programa ng Kapamilya sa mga darating na araw.

* * *

Mukhang hiyang si Angel Locsin sa kanyang leading men sa Only You na sina Sam Milby at Diether Ocampo dahil kapansin-pansin ang pagdagdag niya ng timbang.

Sa Only You, namumutok ang kanyang pigi at balakang. Good thing, likas na may korte ang katawan niya, kaya kahit tumataba, sexy pa rin at magandang tingnan.

Pero siyempre, she should be advised to trim down dahil baka naman magtuluy-tuloy na ang kanyang "paglusog. "

Samantala, consistent pa rin na mataas ang rating ng Only You at maging kami ay nagugustuhan namin ang kuwento nito.

May kilig talaga sina Sam at Angel, gayundin ang Diet-Angel tandem at katunayan, may kanya-kanya na silang hukbo ng fans ngayon.

* * *

Si KC Concepcion naman ang mapapanood ngayon sa May Bukas Pa ni Zaijian Jaranilla. Nag-enjoy sa taping ang dalaga ni Sharon Cuneta dahil aliw na alis siya kay Santino.

Komento nga niya, kung ano pala si Zaijian sa TV, ganu'ng-ganu'n din ito sa personal pati magsalita.

Ayon pa kay KC, isang malaking karangalan na maging guest sa May Bukas Pa dahil every artist's dream daw ito ngayon dahil sa tinatamong malaking tagumpay ng serye.

Gagampanan ni KC ang papel ni Abby, isang babaing nagmula sa mayamang angkan. Ang kanyang lolo na gagampanan naman ni Charlie Davao ay nagmamay-ari ng isang business kung saan binabalak nito na ipamana sa kanyang apo na si Abby.

Ngunit ayaw angkinin ni Abby ang responsibilidad na patakbuhin ang naturang negosyo hanggang sa makilala niya si Santino.

Kasalukuyan ding nagte-taping si KC ng first teleserye niya sa ABS-CBN na Lovers in Paris kasama si Piolo Pascual, kung saan ay pumunta pa sila ng Paris para mag-shoot. Bandang June naman ang airing nito.

* * *

Paki ni katotong Roldan Castro: Magsisimula ngayong araw na ito, May 13, 4 p. m. , sa SM North EDSA ang mall tour ng mga scholar ng Himig Ariel Voice Workshop ni QC Councilor Ariel Inton.

Layunin nito na ma-enhance ang talento ng mga scholar. Sa ngayon ay umabot na sa 2,000 ang pinagkalooban ng Himig Ariel ng free voice lessons.

Source: People's Tonight