|
|
| John Lloyd, ka-level na nina Aga, Claudine!![]() Author: Nitz Miralles Hanggang November pa pala ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin, sabi ito ni John Lloyd Cruz sa presscon ng Dubai. After this, gusto niya munang magpahinga sa telebisyon at eight years na raw na tuluy-tuloy ang kanyang trabaho. Susundin din yata ni John Lloyd ang advice nina Aga Muhlach at Claudine Barretto na dapat hindi siya huminto sa paggawa ng pelikula’t magaling siyang actor. Ang paalala lang ni Aga kay John, ‘wag lang siya magbabago na tiyak na susundin nito. Tamang-tama naman dahil may follow-up movie na si John. Tampok ang loveteam nila ni Bea Alonzo sa isa sa tatlong episode ng trilogy movie na About Love na may November playdate. Samantala, idinaan ni John Lloyd sa biro ang tuwa sa pagpapahalaga ng Star Cinema sa kanya sa poster ng Dubai. Malaki raw ang mukha niya, kaya sa litrato sa poster ng movie, lumalabas na mas malaki ang litrato niya. Pareho naman ang laki ng pangalan niya sa pangalan nina Aga at Claudine. * * * Hindi pa nakakabalik sa bansa si Janno Gibbs pero, patuloy siyang pinag-uusapan dahil sa magulong love life. Umalis at babalik siya mula sa concert sa Geneva, Switzerland na isyu sa kanila ni Cristine Reyes ang haharapin.Pero, may nagkwento sa amin na bago umalis, tumawag si Janno kay Ara Mina para mag-apologize sa pagkakadawit ni Cristine sa kanya. Sabi raw ni Janno, hindi niya alam kung saan galing ang tsismis. Walang makuhang reaction kay Cristine at ayaw nitong magpa-interview. Si Ara nama’y napagod na raw sa kasasagot sa sunud-sunod na intriga’t tahimik din. Pagbalik nina Janno at Keempee de Leon, iingay uli ang isyung ito. Pustahan tayo! * * * May message si Keempee de Leon kay Cristine Reyes sa pagkaka-link nito kay Janno Gibbs. Sabi ni Keempee: "Dapat gamitin niya ang utak niya’t siya ang napapasama." Hindi lang nag-elaborate si Keempee kaya, hindi namin alam kung gusto niyang mag-deny si Cristine o iwasan si Janno.Ayaw nang makialam ni Keempee at pagkatapos mabulilyaso ang panliligaw niya kay Cristine, muli nitong isinara ang puso. Saka na siya iibig muli kapag nakakita ng babaing tatanggapin siya the way he is, mas matanda man siya rito o hindi. Sa kanyang trabaho muna ang concentration niya. Natutuwa ito’t dagdag na trabaho ang kapalit nang pagka-brokenhearted niya kay Cristine. Bukod sa Eat… Bulaga, daily din siyang napapanood sa Kung Mamahalin Mo Lang Ako at consistent na mataas ang rating ng Bahay Mo Ba ‘To? Balak din ni Keempee na ipagpatuloy ang pagsu-show sa Klownz at Zirkoh at balak din niyang mag-produce ng show na ang lalabas ay mga kasama sa Eat… Bulaga. "Iyong album ko to be produced by Ogie (Alcasid), baka next year na namin gawin. Busy din kasi si Ogie. Mas masarap ‘pag busy ka’t kapag bakante ang oras, kung anu-ano ang naiisip," pahayag ni Keempee. * * * Ngayong Linggo na magsisimula ang Season 8 ng Love To Love at dalawang magagandang episode na three months nating mapapanood.Sa taping palang ng Stuck In Love kami nakapasyal at kwela ang episode na tampok ang loveteam nina Mike Tan at LJ Reyes at Ryza Cenon at CJ Muere. Siamese twins na sina Barbie (Ryza) at Berna (LJ), pinapangit pa. Hindi nga namin nakilala si LJ sa make-up plus the oversized dentures na kanyang ginagamit. Kahit nga si Mike, hindi pa nasasanay makita ang ka-loveteam sa kakaibang hitsura. Napi-pressure pala ang dalawang loveteam na mapataas nila ang rating ng kanilang episode. Sila lang ang magdadala nito’t, wala sina Jennylyn Mercado at Mark Herras na tutulong sa kanila. Source: Pilipino Star Ngayon |