Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd, kinabog sina Sam, Gerald, Ryan, Derek at Jake!

Author: Eric John Salut

GOING strong ang relasyon nina Mickey Ferriols at Archie Alemania.

Nakausap namin ang dalawa habang nagpapatila ng ulan noong Sabado ng gabi sa The Loop. Masaya si Mickey dahil may regular show siya sa ABS-CBN — ang Dyosa bilang ina ni Anne Curtis.

Alagang-alaga si Mickey ng direktor na si Wenn Deramas. Kasi sa kuwento, she plays triplets.

Bukod sa Dyosa, kasama din si Mickey sa Humiling Ka sa Langit ni Judy Ann Santos.

Si Archie naman has a regular show sa TV5. Nasa cast din siya ng bagong fantaseryeng Batunting, pero hindi pa nagsisimulang mag-taping. While waiting, tinanggap ni Archie ang isang Korean-produced movie with Vhong Navarro.

* * *

DAPAT kabahan si Phoemela Barranda dahil maganda ang feedback sa hosting stint nina Nikki Gil at Bianca Gonzalez sa Star Patrol segment ng TV Patrol World">TV Patrol World.

Phoemela is in Singapore for a modeling stint. Habang wala siya, nag-try-out ang ABS-CBN News & Current Affairs ng ilang young host to do the showbiz segment. So far, sina Nikki at Bianca ang nakakuha ng magandang feedback.

Sa totoo lang, dapat siyang kabahan dahil baka pagbalik niya, wala na sa kanya ang showbiz segment ng TV Patrol at The Buzz.

* * *

MATAPOS makamit ni Bea Alonzo ang titulong "Drama Princess" sa isinagawang poll ng www. ABS-CBN. com, si John Lloyd Cruz naman ang tinanghal na "Drama Prince" beating other contenders like Sam Milby, Gerald Anderson, Ryan Agoncillo, Derek Ramsay at Jake Cuenca.

More than 10,000 votes ang nakuha ni Lloydie. Buhay na buhay na naman ang fans nina John Lloyd at Bea. Nagbunyi ang mga ito nang i-reveal na si John Lloyd ang gaganap na Armando sa I Love Betty La Fea.

Feeling ng fans, waging-wagi sila sa panawagan sa ABS-CBN management na ibalik sa telebisyon ang tambalang John Lloyd-Bea. Magaganap ang awarding sa dalawa sa isa sa mga show ng Dos.

* * *

SPEAKING of John Lloyd, humarap ito sa piling press people kamakalawa sa mismong opisina ng Ecomoda Manila studio sa 11th floor ng ABS-CBN.

Excited na humarap si Lloydie sa press para ikuwento ang bagong role niya sa I Love Betty La Fea. Inamin ng aktor na excited siya na muling makatrabaho si Bea. It's been years mula nang magkasama sila sa isang primetime show. They were last seen sa Maging Sino Ka Man. Hindi na rin sila nakitang magkasama sa pelikula.

Ayon kay John Lloyd, hindi niya napanood ang ibang version ng Betty La Fea.

"It would help kung mapapanood ko, pero might as well do the role sa style na gusto ko," sabi ng aktor.

Ngayong gabi na mapapanood ang full trailer ng I Love Betty La Fea after TV Patrol World">TV Patrol World.

Source: People's Tonight