Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd, naiintindihan ang pinagdadaanan ni Luis

Author: Vinia Vivar

Naiintindihan ni John Lloyd Cruz ang kaibigan at kasama niya sa In My Life na si Luis Manzano kung medyo umiiwas man ito ngayon sa press hinggil sa kasalukuyang estado ng love life nito.

"Baka kasi mahirap talaga 'yung pinagdadaanan niya. Ako siyempre, naiintindihan ko siya," say ni Loydie nang hingan ng reaksyon ng press kahapon sa kanyang solo presscon for In My Life.

Naikumpara kasi ng mga reporters si Loydie at Luis dahil as we all know, kagagaling lang ng una sa breakup with Liz Uy at nadaanan niya naman ito nang maayos nang walang nagtampong press.

"I cannot speak for them, especially for my friend, Luis. Pero ako, sa mga tao naman, sa inyo, nu'ng nangyari sa akin 'yan, humingi lang ako ng respeto, ng time na pagdating ng panahon, masasagot ko nang mas diretso 'yan, mas malinaw, na walang paliguy-ligoy.

"And sa inyo naman, madali naman kayong umintindi, pag humingi sa inyo, pag humiling sa inyo, nirerespeto n'yo rin naman," sabi ni Loydie.

Nabanggit nga ng mga reporters kay Loydie ang sagot ni Luis na "I don't need to answer that" nang tanungin ang aktor kung break na sila ni Angel Locsin.

"Well, I regret to hear that, na hindi ganu'n ang naging approach. Pero siyempre, iba-iba naman kami. Siguro at that time na natanong n'yo siya medyo. .. hindi mo masasabi, eh," say pa niya.

Pero say ni Loydie, base sa experience niya, ang bagay na ito ay hindi talaga maiiwasan.

"Siyempre, you owe it to your public, we owe it to you, to all of you," he said.

Anyway, sa presscon ay natanong din kung naayos na ba ang problema sa SM Cinemas at kung maipalalabas na ang In My Life sa mga nasabing sinehan sa pagbubukas nito nationwide on September 16.

Ayon kay Loydie ay kasalukuyan pa rin daw wino-work-out at this week ay nakatakda raw magbigay ng announcement ang Star Cinema hinggil dito.

* * *

Still on JLC, sa kanyang personal na buhay, natanong sa kanya kung nagkabalikan na ba sila ni Liz tulad ng napapabalita at aniya ay hindi raw.

"Nagkausap nga kami isang beses and parang sinasabi niya na "ano ba 'yan, kahit wala na tayo, parang hanggang ngayon, hindi pa rin ako nawawala sa usap-usapan.

"Sabi ko, pasensiya ka na kasi, hindi ko naman din hawak na 'yun. Kung ang media maglalabas ng gusto nilang ilabas, without consulting me, kung baga, hindi ko na discretion 'yun, eh.

"Pero sabi ko sa kanya, huwag kang mag-alala, from now on, I will talk less about you para ma-ano na rin, kasi nahihiya naman ako sa tao, 'di ba? Siyempre, para masabi niya 'yun, baka naman talagang nakakaapekto du'n sa personal niyang buhay and sabi ko nga, gusto ko lang irespeto lalo na ngayon, kung dati nga, hindi ko siya gaanong pinag-uusapan, lalo na siguro ngayon na wala na kami.

"So, para sa akin, pinangako ko na lang sa kanya na hayaan mo, sa mga next interviews ko, hihilingin ko na lang sa kanila na medyo iwas na lang dahil siyempre, ngayong wala na kami, mas gusto niyang protektahan yung private life niya.

"Kung anuman ang personal niya, kailangan kong ha-yaan na, kailangan kong ibigay sa kanya 'yun," pahayag ni Loydie.

Source: People's Tonight