Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Lloyd, suko na sa soap opera

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

SA pagkaalam ni John Lloyd Cruz, hanggang Novem-ber na lang ang "Ikaw Ang Lahat Sa Akin." After that, ayaw na raw muna niyang gumawa ng panibagong soap opera at gusto niyang magpahinga. Nakakapagod daw kasi ang ngaragang taping nila.

Tila gustong sundin ni John ang payo sa kanya ni Aga Muhlach na mas maganda kung gagawa siya ng pelikula dahil magaling siyang actor. "Shine! Shine!" sey nga ni Aga kay JL noong presscon ng "Dubai" kung saan magkasama sila for the first time sa naturang movie ng Star Cinema. Flattered nga siya sa mga papuri ni Aga sa kanyang performance. One of the highlights ay ang confrontation scene ng dalawa na gumaganap bilang magkapatid.

Sa trailer na ipinapalabas sa TV at sa mga sinehan, walang itulak-kabigin sa husay nina Aga at JL. Ayon sa director nilang si Rory Quintos, si JL ang next big dramatic actor of the decade.

"Ibang achievement kasi sa pelikula," ani JL. "Maibubuhos mo ang acting mo, unlike sa TV na hindi mo maibigay lahat. Pwede na dahil naghahabol kayo sa oras."

Some of the scenes sa kanilang movie ay kinunan sa Dubai na, ayon kay JL, nahihiya siya kay Aga. They stayed there for 17 days and although, sa isang apartment sila tumuloy, shy pa rin siyang makipag-kuwentuhan at nagkukulong lang siya sa kanyang kuwarto. Naging close lang sila ni Aga noong nag-shoot sila ng mga eksena pagbalik sa Pilipinas.Magkatuluyan kaya?

Final week na ng "Attic Cat" at malalaman na ang desisyon ni Noreen (Jung Da Bin) kung magpapakasal siya kay Kevin (Kim Rae-Won).

Kaaliw panoorin ang top rating Koreanovela na ito ng GMA dahil sa galit-bating relasyon nina Noreen at Kevin. Nakakainis na nakakaaliw ang paging pasaway at isip-bata ni Kevin, samantalang nagtatanga-tangahan naman si Noreen sa matinding pagma-mahal kay Kevin.Wala pa ring house

Produkto ng isang talent search ang singer na ito. Malakas naman itong kumita sa rami ng "racket (as in shows). Product endorser din ito, pero hanggang ngayon ay wala pa ring sariling bahay.

Samantalang yung mga con-temporaries niyay nakabili na ng kani-kanilang house-and-lot at may mga sasakyan na rin.

Sasakyan pa lang ang naipundar ng singer at ang press release niya, pinag-iipunan pa niya ang pambili ng house-and-lot.

Hindi rin knows ng singer kung magkano na ang naiipon niya dahil ang mommy niya ang humahawak ng mga kinikita sa pagtatrabaho. Minor age pa kasi ang singer.No comment

Oo o hindi lang naman ang isasagot ni Cristine Reyes sa mga nangungulit sa kanya kung totoo bang siya ang third party involved sa Janno Gibbs-Bing Loyzaga split-up. Sa pananahimik niya, nag-kakaroon tuloy ng benefit of the doubt ang publiko kung may kinalaman nga ba siya sa hiwalayan ng mag-asawa.

O, baka naman, gusto lang ni Cristine maging kontrobersyal matapos maudlot ang panliligaw sa kanya ni Keempee de Leon?

Maski nga ang pagte-text ng kanyang mommy ay dinededma ni Cristine.

Sino kaya ang nagpayo sa kanya na huwag magsalita nga-yong idinadamay ang pangalan niya sa separation nina Janno at Bing? Wrong advice. Siya ang nalalagay sa hindi magandang sitwasyon sa pag-iwas niyang magsalita.

Source: Tempo