|
|
| John Llyod Cruz, out na sa listahan ng mga crushes ni Bea Alonzo?![]() Author: Dondon Sermino OCTOBER 17 pa ang debut ni Bea Alonzo, pero hindi tulad ng ibang debutante, wala siyang cotillion, wala siyang 18 roses, o wala siyang malaking party. Kakaiba kasi si Bea, dahil mas type niya ang kakaibang birthday celebration. Sa halip nga raw na gumastos siya ng mahigit sa isang milyong piso para sa isang gabing party, mas gusto niya ang mag-share na lang sa mga nangangailangan. Kaya sa halip na big party, isang TV special na lang ang ginawa niya, ang Bea�s Wildest Dreams, na ipalalabas sa October 29. Ayaw magbigay ng detalye ni Bea sa ginawa niyang TV special, pero sigurado raw na marami ang matutulungan niya, marami ang matutuwa, lalo na ang kikiligin. "I have nothing against sa mga nagpa-party sa debut nila. But since galing naman ako sa simpleng buhay, for me mas practical na `yung ganito. "Kesa gumastos ako ng P1.M for a night, na P500,000 thousand for a gown, I�d rather spend it sa mga bata na nangangailangan. "Sa sarili ko, siguro mas maganda `yung mag-travel ako, dahil madi-develop ang personality ko doon." Inamin ni Bea na inalok siya ng magarbong party ng ABS-CBN, pero iginiit talaga niya ang isang selebrasyon na makakatulong sa mga batang nangangailangan. "Medyo anti-social din po kasi ako. Hindi ako masyadong sanay sa mga sosyalan. Mas gusto ko `yung for a cause talaga," giit pa rin ni Bea. Pero, alam niyo ba na maraming panaginip si Bea para sa sarili niya. Binalak pala niya noon na maging rock star, pinangarap din niyang magtrabaho sa isang food chain, at isa rin siyang simpleng babae. "Lahat nu`ng makikitang character sa TV special ko, `yun talaga ang gusto ko. Pero, `yung maging simple girl, `yun talaga ang gusto ko. Ganu`n talaga ako sa tunay na buhay. "Pero, may dalawang segment sa TV special ko na `yung isa para sa Gawad Kalinga and then, `yung isa para sa mga bata na runners o pushers noon, na binigyan namin ng konting tulong. "I was with Abner Mercado two days ago. Parang documentary `yon," say pa ni Bea. Sa tingin ba ni Bea ay ang pagiging simpleng babae niya ang natitipuhan sa kanya ni John Lloyd Cruz? "Well, sa tingin ko `yung pagiging woman ko na. I guess `yun talaga, `yung pagiging mature ko. Ha! Ha! Ha! Ha! "Pero ang dream naman ng lola ko for me ay maging beauty queen. Actually, doon ako nag-start, sa pagsali sa beauty contest. Pero ngayon, naramdaman ko na wala akong calling doon," kuwento pa ni Bea. Ngayong 18 na si Bea, may mga konting pagbabago na raw sa kanyang buhay. "Sa career, hindi ako ang makakapagdesisyon sa pagbabago. Sila kasi ang nagpaplano noon. "Pero sa buhay ko, siguro magkakaroon ako ng konting freedom, at mas magiging responsible na ako. Eh, `yung freedom naman, equals responsibilities, `di ba?" say ni Bea. "Pero, isa lang ang gusto kong baguhin sa sarili ko, `yung huwag maging mas dependent sa mga kasama ko. Like tungkol sa schedule, ngayon may sarili na akong planner, na mas nagiging organize na ang oras ko. Before, inaasa ko sa mommy ko `yung lahat ng bagay, ngayon nagagawa ko na rin `yon. "Tungkol sa ibang bagay, I guess lalabas na lang `yung mga changes naturally, eh. Like, marami na nga ang nakakapansin na iba na raw akong magdamit," nakangiting dugtong pa ni Bea. Kakaiba rin si Bea sa ibang mga kabataang artista ngayon. Sa edad na 18, nakabili na siya ng isang malaking bahay para sa kanyang pamilya. �Yun nga lang, tila hiyang-hiya pa siyang sabihin na mala-mansion ang nabili niyang bahay sa isang lugar sa Pasig City. Sa kuwento ni Bea, siguro raw ay nakatulong talaga sa kanya ang mga pinagdaanan niya. Lumaki nga siya na hindi buo ang pamilya, at palipat-lipat siya ng tinitirhan, mula sa kanyang tita hanggang sa kanyang lola. "Siguro kasi, iba-iba `yung mga naririnig kong opinion, at natuto talaga akong makisama sa mga kamag-anak ko. Hindi ako mayaman kaya marami talaga akong natutunan. "I�m so thankful na nagdaan ako sa ganu`n. Malaki ang naitulong noon sa buhay ko ngayon. "Before, sobrang hirap talaga ng buhay ko. Binalak ko noon na pumasok sa isang fast food chain, kaya kung hindi ako naging artista, malamang sa ganu`n ako nagtatrabaho ngayon. "Napakahirap kumita ng pera, kaya `yung kinikita ko ngayon, pinag-iingatan ko talaga," seryosong sabi pa rin ni Bea. Naniniwala si Bea na ang pag-aartista talaga ang kanyang destinasyon. Katunayan, marami siyang kasabayan sa showbiz noon, na ngayon ay hindi na nararamdaman sa showbiz. "Suwerte ko po siguro talaga. Siguro, ito talaga ang calling ko. Ito ang misyon ko." Pero, tulad din ng ibang kabataan, aminado si Bea na may kamaladitahan din siya sa buhay. "Lahat naman ng tao may topak. Ako kasi, pag tinotopak, hindi ako masyadong nakikipag-usap. Tumatahimik lang po ako. Isa sa mga tina-target ni Bea sa susunod na taon ay ang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Dalawang taon din siyang huminto sa pag-aaral at graduating na siya ngayon sa high school, sa isang home study. Teka lang, bakit parang hindi napag-uusapan ang pag-ibig? Eh, legal na nga siyang magkaroon ng boyfriend ngayong 18 na siya. "Wala pa po akong nahahanap, eh. I�m just enjoying. Pinapayagan na ako ni mama na lumabas, kaya nakikipag-date-date na rin ako. Pero, group dates lang po. Natatakot akong makipag-date na date talaga! "Siguro, hindi ko pa rin nahahanap sa ngayon. O baka nandiyan lang sa tabi-tabi, pero hindi pa rin ako ready," tila nahihiyang tugon pa rin ni Bea. Paano siya nagi-enjoy sa buhay niya bilang dalaga? "Nandiyan po ang family ko. Atsaka, passion ko talaga itong ginagawa ko kaya nagi-enjoy ako. Marami akong inspiration. "Nandiyan din ang mga crushes ko. Siyempre, kailangan ko rin ng mga inspirations, dahil mabi-burnt out ka kapag wala kang ganu`n." Sinu-sino ba ang mga crushes niya na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya o nagpapasaya sa kanya kapag pagod na siya sa sobrang trabaho? "Marami po akong crushes. Marami akong ka-text, eh. Iba-iba sila ng role sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha!" Si John Lloyd ba ang isa sa mga lalakeng �yon? "Never ko namang naging crush si John Lloyd, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na say ni Bea. Sa ngayon daw, hindi pa niya natatanggap ang regalo ni John Lloyd sa kanya. Alam niyang busy si John Lloyd sa trabaho nito, kaya hindi niya inuobliga ang binata. Pero, biniro na raw niya ito na dapat ay imported ang regalo sa kanya ni John Lloyd. Alam ni Bea na type siya ng mommy ni John Lloyd. Nababaitan din siya sa mommy ni John Lloyd. Abala pa rin si Bea sa teleserye na Ikaw Ang Lahat Sa Akin, at sa mga commercial endorsements niya tulad ng Porsche Jeans, Outland Footwear, Karanina, Cream Silk conditioners, Talk N� Text, Avon fragrances at SM San Lazaro. *** Sino naman ang maysabi na out na si Troy Montero sa showbiz ngayon? Eh, heto nga at kabi-kabila ang mga trabaho niya. Katatapos lang niyang mag-show sa Japan, at kinilig talaga ang mga Pinay sa kaguwapuhan at kamatsohan niya. Busy rin si Troy sa paghahanda ng listahan ng kanyang mga kanta, lalo na at may show siya sa October 29 sa Ratsky�s Morato. �Yun nga lang, hindi talaga naiiwasan na sa tuwing nasa stage si Troy at kumakanta ng Special Memory, ang magandang katawan pa rin niya ang pinakatititigan nang husto ng mga babae at bading. At hindi naman sila nabibigo, dahil game na game naman ang boyfriend ni Aubrey Miles na ipakita ang matitigas niyang muscles sa katawan. Ang sponsor nga pala ng show ni Troy ay ang Ratksy�s, Dickies Underwear, Belo Medical Group at Star Factor, Inc.. Source: Abante |