Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Prats sure nang iiwanan sa Pasko si Shaina

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

KUMPIRMADO na ang pag-alis sa bansa ni John Prats at sa Amerika ito magpa-Pasko at Bagong Taon, para makapiling ang kanyang pamilyang nan-dun na, kasama ang buntis niyang kapatid na si Ca-mille Prats.

Sinabi ni John na sa totoo lang daw, grabe ang pi-nagdaanang pagsubok ng pamilya niya this year, particular na ang kanyang dear sister na nabuntis nga't na-walan na ng career, kaya it's time to be with her daw sa Christmas.

Hindi lang kami sure kung sa Parada ng mga Bitu-in ay wala na si John kaya 'di na siya makakasakay sa float ng Shake Rattle and Roll 9, ang only horror flick ng Regal Entertainment sa Metro Manila Filmfest 2007.

Pero, siyempre'y puspusan na ang promo ni John at ng mga kasamahan niya sa nasabing trilogy movie na tested na ang lakas sa box-office everytime na may MMFF.

Samantala, hindi na nagdi-deny pa si John na tuluy-tuloy na ang panliligaw niya kay Shaina Magdayao, kahit medyo hindi sila magkaedad. Shaina's definitely much younger than John, pero sabi nga, pag-ibig 'yan and there is no age boundery sa love.

Hayan at inamin na ni Shaina na nabuwag na ang loveteam nila ni Rayver Cruz kaya nai-entertain na si John ng dalaga. Ang ta-nong, paano kaya ito ta-tanggapin ng kani-kanilang fans?

Inamin ni John sa presscon ng Shake, Rattle and Roll 9 na nakadalaw na ito sa bahay ng nililigawang si Shaina.

"The family is great, wala akong masabi," kuwento ni John, na parang in love na nga ulit.

Kung maga-abroad man daw si John ay maii-tindihan naman 'yun ni Shaina.

"You know, family ito eh. Marami pa namang ibang time to spend together," sambit ng alaga ni Arnold Vegafria.

Kasama nga pala ni John sa Shake, Rattle and Roll 9 sina Dennis Trillo, Katrina Halili, Matt Evans, Felix Roco, Melissa Ricks, etc.

* * *

SO, true na nga kaya ang pagpirma diumano ni Hero Angeles ng contract sa GMA Artist Center, with German Moreno as his consultant?

Aba, eh panay ang press release na may ganitong chika, pero wala pa tayong napapanood ng konkretong pirmahan. Eh, baka naman inaayos pa ang mga detalye.

Good thing for Hero dahil may Kuya Germs siyang backer sa GMA-7, at naniniwala sa kakayahan ni-to, pero sana nga'y wala na sa likod ng ca-reer nito ang kuya ni-yang si Henry Angeles na siyang dahilan kaya natsugi ang trabaho nito sa ABS-CBN sa rami ng hindi nakain-tindihan ng mataray na kuya sa Kapamilya Network.

Kung may Henry pa kasi na magpapatakbo ng career ni Hero kahit pa under GMAAC na ito, mukhang magkakaproblema pa rin.

Importante talaga ang magandang pakikisama ng manager. Kung 'di na didiskarte si Henry at ipagkakatiwala ang kapatid sa GM-AAC, mas malamang may mangyari. Negative nga ka-si ang naging impact ng utol ni Hero for the time na nag-stay siya sa Dos, remember?

But sabi nga, there's always a second chance for everybody, so siguro, sa lo-ob ng dalawang taong wa-lang trabaho si Hero, tingnan natin kung tatangki-likin pa rin siya ng dati ni-yang followers.

Abangan.

* * *

ANG totoong naringgan naming napadalhan na ng GMAAC ng contract to renew ay si Jennylyn Mercado.

Feb. 2008 na kasi ang expiration ng existing contract ni Jen sa GMA, and ilang tulog na nga lang ay Pebrero na kaya hayun at nagpapadala na ng 'feelers' ang manager niyang si Becky Aguila sa ABS-CBN na maaring i-ober-da-bakod na niya ang young actress dito.

Nauna na ngang lumipat sina Angel Locsin, Valerie Concepcion, and Char-ming Lagusad sa Kapa-milya Network, hindi ba, and maraming trabaho ito sa Dos, in fairness.

As for Jennylyn's contract kasi, ang may option to renew ay ang GMAAC kaya extended ang contract nito until Feb. 2009.

Sana lang ay 'wag ding mag-'suffer' ang karera ni Jen sa Kapuso dahil wala si-yang kasalanan sa sigalot na nangyari between her manager and the network.

May mga nabulilyasong shows kay Jen, aminin man o hindi. Pero heto't tuloy lang siya sa La Vendetta (ka-hit multo ang role, at pasulput-sulpot lang), and in fairness ay binigyan ng Ma-ging Akin Ka Lamang with Patrick Garcia.

Tough act to beat ang orig stars ng Maging Akin Ka Lamang na sila Boyet de Leon and Dina Bonnevie, with Lorna Tolentino pa.

Kayanin kaya ito nina Mark and Jen?

Heard na si Isabel Oli nga raw ang gaganap sa role ni LT.

Good luck. 'Yun na lang daw nasabi namin, o!

* * *

FOR your feedback and comments, please email us at mell_navarro@yahoo. com. ph.

Source: Taliba