Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John Regala admits doing kontrabida roles can be tiring

John Regala admits doing kontrabida roles can be tiring

Author: Bernie Franco

Inamin ng aktor na si John Regala na napapagod din naman siya sa paggawa ng mga kontrabida roles. "Sa totoo lang, nae-enjoy ko pero minsan may mga roles na ino-offer sa akin na medyo natatamad na ako. Parang 'yun at 'yun din. Parang gusto kong sabihing ayoko na," paglalahad ng aktor.

Kuwento pa ni John, nakakapagod din kung paano gagawing kakaiba ang kontrabida role na naibibigay sa kanya subalit kadalasan ay halos pare-pareho rin naman ang ginagawa nito, at iyon ay pahirapan ang bida ng storya. Kung kaya't sobrang tuwa niya sa pagdating ng pagkakataon na makasama sa afternoon teleserye na Pieta, kung saan ginagampanan niya ang character ni Miguel, leader ng sindikato na nagkaroon ng kaugnayan kay Amanda (Cherie Gil). Iba raw kasi ang pagiging kontrabida ni Miguel pahayag ni John. "Sa ngayon 'yung hinahanap ko 'yung macha-challenge uli ako. 'Yun bang lalabas uli 'yung gigil ko katulad dito, talagang inupuan ko. At 'yung schedule ko pinagpaguran ko talaga."

Paglalarawan niya kay Miguel, hindi ito 'yung tipikal na kontrabida na laging nakikita na naninigaw o kaya ay nananakit ng ibang character. "Dati laging naninindak, pero ito ala-Anthony Hopkins ang dating. Tahimik pero masisindak ka. Kumbaga, hindi maingay, mata lang ang nangungusap," share pa ng aktor. Isa si John sa mga mahusay gumanap na bad guy sa pelikula at maging sa telebisyon. Pag-amin niya, minsan ay nadadala na rin siya sa mga eksena at malaking tulong ito upang magmukhang convincing ang acting. Nailahad din niya noong unang gumawa sila ng pelikula ni Kris Aquino kung saan totohanan niyang hinagis sa sahig si Kris. Nasaktan umano ang magaling na host/actress dito at nagalit kay John. Subalit nang makita nila ang ginawang eksena ay nabilib siya sa husay ng pagkakagawa ng eksena. 'Yun din daw ang nagbigay daan upang irekomenda ni Kris si John na maging kontrabida ulit sa isa pa niyang pelikula, ang Fatima Buen Story.

Sa pagkakahasa nga ng pag-arte ni John, hindi na raw siya umano nahihirapang mag-internalize. At dahil sa convincing ang pagganap niya, marami rin daw ang nagugulat kapag nakikita nilang mabait pala talaga siya sa personal.

Source: ABS-CBN Interactive