|
|
| John, 'di makakasama ni Sharon sa London?![]() Column: Tell & Tell Kinumpirma ni Makisig Morales sa first preskon ng Supah Papalicious nila ni Vhong Navarro, na sa April 1 na ang alis niya papuntang London with Megastar Sharon Cuneta and John Estrada para sa shooting ng Caregiver. 'Yon nga lang, para makasama nila si John, dapat siguro'y linisin muna ng aktor ang isyung nahulihan siya ng mga bala sa airport nu'ng Huwebes Santo. Sa ganu'n, hindi na ito bibigyan ng hold departure order ng DOJ, tsuk! O, puwede rin sigurong si Sharon at si Makisig with Direk Chito Roño na lang ang pumunta ng London minus John E. , 'di kaya? Nakapag-advance na kasi ng taping si Mega sa buong buwan ng April ng kanyang Sharon para nga matuloy ang shooting nila sa London and some parts of Europe. In fairness sa hanay ng mga kabataang lalaki, mas lamang ang pang-star material, ha! Guwaping 'yung unang ipinakilala na isang promdi hottie from Mindoro. Para siyang male version ni Kristal, dyunak ni Bakekang, kasi nga, tipong tisoy, flawless at may height ang damungkang. Pero nu'ng makatabi ang kanyang itay, hindi naman sa pangmemenos, hindi sila magkamukha at magkakulay, tsuk! Hinala tuloy namin ay baka ampon lang itech. Guwaping rin 'yung taga-Milan, Italy, na tipong hawig kina Gabby Concepcion at Paolo Ballesteros. Konyung-konyo kid naman 'yung taga-Spain na guwaping din, pero mukhang astig ang aura. Mukhang komedyanteng bading naman 'yung taga-Davao. May mga itsu (read: itsura) rin 'yung dalawang plus na isang Atenista at isang La Salista. Talaga raw pulos mga kelotski lang ang pinagtuunan namin ng pansin at in-ignore ang mga napiling girlash ni Big Brother, hahaha! O, siya. .. labanan na lang ng kanya-kanyang manok sa PBB Teen Edition Plus at subaybayan na lang natin sila gabi-gabi sa Primetime Bida ng Dos, okidoki? Mukhang si Tado ang mas intelligent sa tatlo, ha! Pero huwag nating husgahan ang talino nina Angelica at Empoy dahil sabi nga, "don't judge them 'coz they're not books!" Hehe, pahiram lang, Melanie (Marquez), tsuk! Ang huling nanalo ng brand new car sa WOF ay si Bannie Bernardo nu'ng March 10. 'Yon lang. Source: People's Tonight |