Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

John muntik matulad kay Robin

Author: Ed De Leon
Column: Dream

Medyo malungkot si Kuya Germs habang binabanggit na sa isang meeting kung saan siya nakumbida ay nalaman niyang ilang daang milyong piso pa-la ang kailangan para ma -restore nang husto ang Metropolitan Theater.

Historical ang Metropo-litan Theater, dahil noong araw ay diyan inilalabas ang mga piling panoorin.

Doon ipinalalabas ang mga class na vaudeville noon at sinasabi nga na napakaganda niyan noong araw.

Nawasak na ang Met. Bulok na ito at ang likod ay tinayuan pa ng isang gay bar. Tapos nagkaroon din ng boxing arena diyan noong araw.

Hanggang sa mapansin iyan ni dating First Lady Imelda Marcos kaya napaganda ulit ang Met. Natatandaan naming ginagamit pa ang lugar para sa mga magagandang musical presentations.

Ginagamit din ito ng ilang tv shows na basta may specials, diyan ang venue.

Pero, hindi rin naging ma-ganda ang management, muk-hang pabaya rin ang mga na-ngasiwa. Noong mawala si Imelda Marcos sa Malacañang, tulu-yan nang nawasak ang Met, bumagsak pa nga pati bubong noon at isa nang abandoned building.

Gusto nang ipagbili iyan ng City Hall ng Maynila, wala kasi silang interest di-yan.

Nilagyan pa iyan ng kara-tula ni Lito Atienza noon na nangangakong bubuhayin niya ang MET, pero wala ring nangyari.

Ngayon gusto nilang mai-restore ang MET.

May mga congressmen daw na nangakong ibibigay para sa project ang bahagi ng kanilang pork barrel.

Pero kailangan ang tulong ng pribadong sector, ka-ya gusto nilang isama si Kuya Germs.

Pero ang malungkot, eh, napakalaking halaga nga ang kailangan dahil wasak na wasak na naman ang kabuuan ng teatro.

Sana nga lang kung ma-ibibigay ng iba ang bahagi ng kanyang mga 'tongpats' at mai-moderate ang kanilang greed, madaling matatapos iyang restoration niyang Met.

* * *

Hindi biru-biro ang ikinaso kay John Estrada noong mahuli siya sa airport.

Illegal possession of ammunition iyon.

Mabuti at nakawala rin siya.

Kung hindi nga nabago ang batas na umiiral noon matapos na matawag ang ka-nilang pansin dahil sa nangyari kay Robin Padilla, aba, eh, 17 to 21 years na kulong ang aabutin ni John.

Hindi maliwanag sa amin kung nakapagapiyansa si John kaya siya nakawala, o kung may nailabas siyang papeles na nagsasabing legal na may karapatan siyang magdala ng mga nahuli sa kanya, pero hindi nga biru-birong kaso iyon.

* * *

Marami ang nakakita sa isang male star na may kasamang isang kilalang mayamang bading sa Baguio noong nakaraang linggo.

May mga nagtatanong nga, hindi ba mayaman na rin at may sarili na ngang mga negosyo ang male star na iyan?

Bakit sumasama pa siya sa mga bading? Sabi nga namin, baka na-man iyong pagsama niya sa mga bading ay isa sa kanyang mga 'negosyo. ' Nagkapangalan kahit na papaano ang male star na ito ay dahil naging kept man siya ng isang bading na network executive noong araw?

Source: Taliba