|
|
| Jojo A All the Way airs on TV5 starting June 1![]() Author: Glen Sibonga Siguradong maaliw ang mga manonood sa pagtatapos ng araw mula Lunes hanggang Biyernes dahil ang kuwelang late night show na Jojo A All The Way! ay mapapanood na sa TV5 simula ngayong Lunes, June 1. Hosted by veteran comedian Jojo Alejar, pinaghalu-halong comedy, information, spoof, at satire ang hatid ng pinakabagong late night show na ito ng TV5 kung saan tatalakayin ang everyday news and issues in a light and witty way. "New network, new beginning at new entertainment ang ibibigay namin sa inyo gabi-gabi dito sa Jojo A All The Way! Yes, mga friends nandito na ako ngayon sa TV5. Kaya shake n'yo lang ang TV n'yo!" wika ni Jojo. Sa pilot episode nito ngayong June 1, ang unang makakaharap ni Jojo A ay ang matinee idol na si Dingdong Dantes, na mag-o-all the way sa gisahan sa interview portion kasama ang tinaguriang David Letterman ng Philippine TV. Kaabang-abang ang mga ma-intrigang tanong na haharapin ni Dingdong kasama na rin ang all the way na kulitan nila ni Jojo A. Simula pa lang ito ng gabi-gabing aliw na hatid ng Jojo A All The Way! na mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng 12 midnight sa TV5. Source: Philippine Entertainment Portal |