|
|
| Jolina Magdangal kumalas sa pangangalaga ng amaAuthor: Gerry Ocampo SA backstage ng SM Skydome kung saan ginanap ang 1st PMPC Star Award for Music nakausap namin si Jolina Magdangal tungkol sa pagkalas niya sa ama as her manager. Isang buwan na kasing nasa pangangalaga ni Perry si Jolens na manager din nina Dingdong Dantes, Geoff Ei-genmann, Angelika dela Cruz, atbp. Ano ba talaga ang dahi-lan at kumuha si Jolens ng bagong manager? May alitan ba sila ng ama na siyang nangangalaga ng kanyang showbiz career sa simula pa? "Wala naman po ka-ming tampuhan or alitan ni Daddy. Hindi na kasi maka-kaya ni Daddy na i-manage ang showbiz career ko. Kailangan niya kasing mag-fo-kus sa restaurant at salon business namin. Kaya kumuha ako ng bagong ma-nager si Perry nga," paliwanag ni Jolens. Wala na raw ibang puma-sok sa isip niya na kukuning bagong manager kundi si Perry lang dahil magmula nang mag-start siya sa showbiz ay kilala na niya ito. Alam din daw ni Jolens na magiging maganda ang ca-reer niya sa pangangalaga ng bagong manager. Next year ay bonggang project ang na-katakda niyang gawin. Pero ayaw niyang sabihin kung ano 'yon. Baka raw maudlot at magkaroon pa ng problema. * * * SA backstage din klinaro ni Rachelle Ann Go ang naglabasang sumama raw ang lo-ob niya nang makita ang ex-boyfriend na si Gab Valenciano na dumating sa concert niya na may kasamang non-showbiz girl. "Wala pong katotoha-nang nakita ko si Gab sa concert ko. Wala po siya ro-on at lalong hindi sasama ang loob ko kung may ka-samang babae si Gab. Break na kami, pero aaminin ko na nandito pa rin siya sa puso ko," say ni Ra-chelle. Blooming si Rochelle ngayon, tandang naka-move on na siya, pero matatagalan pa raw bago siya muling magmahal. * * * DAHIL isini-celebrate natin ang All Souls Day ay Halloween themed ng Cool Center nitong Sabado kung saan naka-costume ng Count Dracula si Anjo Yllana, at ang co-host niyang si Eugene Domingo ay Corps Bribe. Samantalang si Shivaker as Quasimodo at si Mr. Ca-riñoso as Nuno sa Punso na sumayaw nang Thriller. Ipi-namigay ni Richard Gutierrez ang isa sa mga paborito niyang jacket sa mapalad na caller ng first live radio talk show on TV na napapanood every Saturday pagkatapos ng Imbestigador sa GMA7. * * * CUTE na guy ang kasama ni Abby Cruz, ex-girlfriend ni Paolo Bediones, sa premiere night ng Baklas sa Cinema 10, SM Megamall. Lalo kaming naghinala na ang guy ang ipinalit ni Abby kay Paolo dahil super-sweet ang dalawa na kitang-kita namin dahil sa unahan lang nang inuupuan namin sila nakaupo. Tinanong siya ng ka-sama naming reporter kung sino 'yong guy na katabi. Kaagad namang lumingon si Abby sabay sabing: "Kapatid ko siya. " Hindi pa nagsisimula ang pelikula kaya nakipagkuwentuhan muna kami kay Abby at muling inungkat ang nangyaring break-up nila ni Paolo. May kinalaman ba sa paghihiwalay nila ang walang katapusang pagdududa sa gender ni Paolo? "Actually, kahit ako noong itinatanong sa akin, hindi ko rin alam. Hindi ko pinagdudahan ang gender niya ever dahil minahal ko siya talaga. Dahil laging isyu ang gender niya ay tinanong ko siya nang diretso. Ang sabi niya ay lalaki siya," esplika ni Abby. Posible bang magkabalikan sila? "We`re over. Ibang love na ang nararamdaman ko para sa kanya. I`m not closing my door, pero malabo na, eh. " May launching movie na si Abby titled Tanglaw na siya ring nag-produce ng Baklas at ididirek din ni Buboy Tan. Speaking of Paolo Bediones na siyang host ng Survivor Philippines: Palau, nang makausap namin siya ay muli niyang ipinagdiinan na walang time sa isa`t isa ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Abby. Source: Taliba |