|
|
| Jolina Magdangal, masaya sa piling ni Mark Escueta!![]() Author: Abante DUMATING sa birthday party ng talent manager na si Perry Lansigan sa Celsius Bar si Jolina Magdangal kasama ang rumored boyfriend na si Mark Escueta, na miyembro ng sikat na bandang Rivermaya. Magka-holding hands na dumating ang dalawa. Although, noong una ay tila nailang pa silang magpa-picture na silang dalawa lang, pero kalaunan ay nagpaunlak na rin sila. Larawan ng isang masayang babae si Jolina sa piling ni Mark. At kung titingnan din naman si Mark ay obviously na inlabey (in love) din ito kay Jolens. Nang mag-request kami ng interview, nakangiting nakiusap si Jolina na kung puwede ay 'wag raw muna nu'ng gabing 'yon, at kapag sure na raw talaga ay doon sila magsasalita. Kaya hirit namin sa kanya, hindi pa ba sure? “Basta, we're friends. Okay siya. Sobrang mabait. Kumbaga, hindi ko rin akalain na makakakita pa pala ako ng katulad niya na ang bait talaga. “Pero nasa stage pa lang ako na nag-e-enjoy. Enjoy ako na nakikipag-date. Happy ako na kasama siya. Pero hanggang doon pa lang,” natatawang sabi ni Jolina. Ganunpaman, mabilis naman ang naging sagot ni Jolina nu'ng tanungin ko kung masasabi ba niyang posible na maging sila na talaga ni Mark? “Definitely!” ang nakangiting sagot niya. On the other hand, for the first time ay kumuha na si Jolina ng taong magma-manage sa kanya. Ever since kasi, ang daddy Jun Magdangal ni Jolens ang tumatayong manager niya. Pero this time, nagkausap na raw sila ni Perry at si Jolina nga ang bagong addition sa growing family ng PPL Entertainment, kasama sina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Guevarra, Angelika dela Cruz and of course, Dingdong Dantes. Sabi pa ni Jolina, may bubuksan daw silang business sa Tagaytay, at doon naman daw magko-concentrate ang kanyang daddy. May pinaplano ring major show si Jolina na kung hindi man end of this year ay posibleng early next year. Ang naturang project daw ay matagal na niyang na-miss gawin. Source: Abante |