Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jolina Magdangal na-shock nang matuklasang puwera na siya sa StarStruck

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

KAHIT ibinandera na ni Kristine Hermosa si Oyo Sotto sa special affair ng Star Magic kamakailan, pa-nay pa rin ang tanggi na si-lang dalawa na.

Si Oyo ang escort ni Kristine sa Star Magic Ball kung saan first time ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na um-attend sa napakaengrandeng okasyon ng Kapa-milya talents. Ayon kay Oyo, hindi pa sila officially 'together' ng actress, pero may caring sila sa isa't isa. Ayaw daw nilang magkamali kaya step-by- step ang kanilang ginagawa. Siniguro niya na kahit ano ang mangyari ay special sa kanya si Tin. Worth naman kahit ga-ano katagal siyang maghintay sa dalaga.

* * *

MAY bago na namang banda ang makikilala sa larangan ng music industry.

Ito ay ang Bojo Band na mga taga-Olongapo City ang members. Kamakailan lang ay ini-launch ang grupo sa Brads Bistro, Olongapo City. Ang banda ay binu-buo nina Raymond Patras' Ramos (band leader at songwriter), Err Sape (isa sa vo-calist), Genes Layda, (keyboard), Kris Deloroso (bass), Janno Villamarzo (drums) at ang vocalist na si Robert 'Bojo' de Dios. Kasabay ng launching ang paglabas sa market ng kanilang self-titled album na Bojo.

* * *

BAKIT nga ba nawala si Jo-lina Magdangal bilang host sa StarStruck V at si Carla Abellana ang ipinalit sa kanya ng GMA7?

Hindi lang sa StarStruck natsugi si Jolens. Sa Unang Hirit ay hindi rin siya nakabalik. Si Sunshine Dizon ang nag-take over on her place. Ang nag-iisang show na lang ng petite young actress ay Adik Sa 'Yo na malapit na ring matapos.

Walang kaalam-alam si Jolina na out na siya as host ng StarStruck V. Nalaman na lang ng kanyang ama , na tumatayong manager niya, ang lahat nang magtanong ito kung kelan uumpisahan ang teaser ng reality show.

"Bakit? Ano'ng naging pagkakamali ko? I'm deeply hurt," ani Jolina sa online net na www. stir. ph.

Na-shock daw siya at may pagtatanong pang ba-kit siya lang ang nawala, ang kanyang co-host na si Dingdong Dantes ay nanatili. Pagtatapos ni Jolens sa online net: "Professionalism and talent are no longer tickets to a successful showbiz career. "

Sa nangyaring ito, ano kaya ang move ng daddy ni Jolina para sa career ng anak na sa aming pagkakaalam ay talent pa rin ng GMA7? Te-ka, 'di ba sina Dingdong, Carla at Sunshine ay talents ng isa sa topguns ng Siyete?

Source: Taliba