|
|
| Jolina pumalag sa pagpasok ni Carla Abellana sa StarStruck VAuthor: Tonee Coraza Nagulat kami nang malaman namin sa SOP last Sunday na magho-host pa rin pala si Dingdong Dantes ng StarStruck V. Kasi, sa isang interview namin sa kanya two months back, sinabi niyang ipapau-baya na niya sa iba ang hos-ting chores for StarStruck dahil apat na taon na niya itong ginagawa and he wants to give chance naman sa iba. That time, sinegundahan namin ang kanyang desis-yon dahil para nga namang hindi na bagay sa kanya ang mag-host ng StarStruck pag-katapos niyang ma-establish ang sarili as one of the premier leading men ng GMA7, lalo pa't may solo na siyang teleserye ngayon na Stairway to Heaven. But obviously, something came up para magbago ang desisyon ni Dong. Ang ikinagulat namin nang husto ay ang pag-announce na si Carla Abellana na ang magiging female host ng StarStruck V. Ano ang nangyari kay Jolina Magdangal na isa sa ori-ginal hosts ng numero unong artista search ng bansa? Ni hindi namin napansin kung present ba si Jolina last Sunday sa SOP nang gawin ang announcement. Magawa kayang mabuti ni Carla ang pagho-host ng StarStruck? Kasi parang mas bagay siyang mag-host ng isang beauty contest. By the way, narinig na-min mula sa kampo ni Jolina na nagrereklamo raw ito dahil sa pagpasok ni Carla sa StarStruck bilang female host. Offended daw si Jolina dahil buong akala niya, siya pa rin ang female host ng show. * * * STARS came down from heaven sa Star Magic Ball na ginawa sa Makati Shangrila last Sunday night. Ang hands down pair of the night ay sina Anne Curtis at Sam Milby na magka-samang dumating fueling speculations na nagkabalikan na o magkakabalikan na ang mag-ex. Solong dumating sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales at Luis Manzano proving na sila ay single men ngayon. Mas maganda sana kung si Lloydie ang nag-escort kay Ruffa Gutierrez na dumating din that night. Bakit hindi man lang ines-kortan ni Jericho sino man kina Kristine Hermosa at Karylle? Solo flight si Luis dahil break sila ni Angel Locsin. Ang masayang-masaya that night was Diether Ocampo na ka-date ang kanyang non-showbiz GF Rima Otswana. Source: Taliba |