Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jolina, walang problema kay Bebong

Jolina, walang problema kay Bebong

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

HINAY-HINAY na nga sa pagtatrabaho ngayon si Jolina Magdangal. Hindi na nga siya tulad noon na kaliwa't kanan ang proyektong ginagawa.

“Mas nakakapili na ako ng trabaho ngayon. May time na ako para sa sarili ko. Mas nai-enjoy 'yung mga dati kong pinaghirapan. Dati, hindi ko

napapansin. Ngayon, mas masarap pala 'yung minsan, punta ka ng Ba­tangas, enjoy sa beach at uwi na o punta ng Tagaytay, pahangin o coffee with your friends, tapos, uwi na,” sabi ni Jolina.

Unti-unti na ba niyang tinatalikuran ang showbiz, dahil kailangan na niyang harapin ang pag-aasawa?

“Tingin ko, may point na siguro, enjoyin ko kasi bagong chapter ng buhay mo. Pero hindi ibig sabihin, stop na. Kung nasa dugo mo ang gusto, hindi ka papa-stop unless hindi ka na makatayo at nakahiga ka na lang, 'di ba?” sagot niya.

Ano ang masasabi niya na hindi raw nakaka­tulong ang boyfriend niyang si Bebong Muñoz sa career niya?

“Hindi naman siya artista! Paanong makakatulong?” sagot ni Jolina.
“Hindi naman siya nakikialam sa career ko. Masuwerte na rin ako.
“So 'yung tulong na sinasabi, para sa akin, napaka­laking support na nu'n. Hindi kailangan 'yung tulong na lumalabas sa TV, 'pag taping, nakabantay siy­a!
“May sarili naman siyang buhay. Nagwu-work naman siya!”
Pero napapapaligaya naman siya ni Bebong?

“Masaya kami! Ha! Ha! Ha!
“Happy fiesta!” natatawang sabi ni Jolina.

Anyway, malapit na nga palang ipalabas ang pelikulang ITALY na pinag­bibidahan nina Jolina, Rufa Mae Quinto, Mark Herras, Dennis Trillo, Rhian Ramos, at Euge­ne Domingo.
***

Natapos na ng komed­yanteng si Pooh ang series na Florinda, na kung saan bida si Maricel Soriano. Pero hindi niya alam kung kelan ang airing nito.
Ngayong September, sisimulan na ni Pooh ang rehearsals para sa bagong comedy show na SONA (Spoof of the Nation Address) na mapapanood sa buong buwan ng October.

Ilan sa komedyanteng makakasama niya ay sina Jon Santos, John Lapus,

Candy Pangilinan at iba pa. Pagdating ng November, hopefully ay matuloy ang US Tour niya with K Brosas and Andrew E., na gagawin sa San Francisco, Los Angeles, Las Vegas at San Diego.

Source: Abante