Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jomari Yllana at Tess Celestino naiipit sa TV airing ng Missing You

Author: Nitz Miralles

Humarap sa press ang buong puwersa ng GMA Entertainment, sa pangunguna ng SVP for Entertainment TV na si Wilma Galvante, para i-announce ang mga bagong show ng Siyete at para sagutin ang ilang maiinit na isyu na kinasasangkutan ng network.

Sa mga bagong serye, mauunang magpi-premiere ang balik-tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa February 9.

Isa sa mga eksenang aabangan ay ang pagtu-two-piece ng actress.

Sunod na magpa-pilot ang TV remake ng Paano Ba Ang Mangarap? nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa Feb. 16 and after a week, sa Feb. 23, ang premiere ng Totoy Bato nina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Regine Velasquez.

Kung 'di last week, sa first week ng April naman ang airing ng Zorro ni Richard Gutierrez, kung saan dalawang leading ladies pala ang hinahanap.

Kasama ang actor sa pipili ng makakapareha niya rito. Kasama sa cast sina Jaclyn Jose, Joel Torre at Ricky Davao.

Sa March din naka-schedule ang airing ng All About Eve nina Iza Calzado at Sunshine Dizon at kasama rito sina Eula Valdez, Jean Garcia, Alfred Vargas at Richard Gomez.

Sure na si Mark Anthony Fernandez sa role ni Jang Dong-gun.

Papalit naman sa Family Feud Celebrity Edition ang My Dad is Better than Your Dad, na Feb. 8 na ang pilot at host si Paolo Contis.

Kapalit ng Nuts Entertainment ang Cool Center to be hosted by Anjo Yllana at isang female host.

Abangan din ang Hole in the Wall, isang game show na ang hosts ay sina Michael V at Ogie Alcasid as Angelina at ang kanyang yaya.

Magandang balita rin na extended hanggang December 2009 ang Dear Friend and for six months, eight weeks mapapanood ang bawat episode.

Magsisimula ito bukas sa Bulong ng Puso, kung saan tampok sina Jennica Garcia at Mart Escudero, Rich Asuncion at Dion Ignacio.

Next week pa malalaman kung may Pinoy Idol pa, pero tiniyak ni Wilma na may singing contest ang Channel 7 at baka ibalik ang Pinoy Pop Superstar.

Sa September na ang Starstruck 5, pero wala pang hosts.

Babalik ang Obra sa February, magsi-celebrate ng anniversary ang Walang Tulugan sa Feb. 7 at may Season 3 ang Celebrity Duets.

Tungkol sa isyu kung anong network ang media partner ng Fearless Productions para sa Feb. 6 Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera, sabi ni Wilma, kung talagang ABS-CBN na ang media partner, sa kanila (GMA-7) pa rin ang TV coverage dahil nagkasarahan na ng usapan ang network at si Jomari at may time slot na para rito.

Natuwa raw si Jomari nang makipag-usap sa kanila't hindi siya dinedma.

Dahil dito, sa Kapuso channel niya ipapasok ang ipo-produce na TV show at tutulungan siya ng station.

Hindi nag-comment si Wilma sa isyung naiipit sina Jomari at Tess Celestino sa TV airing ng Missing You.

Source: People's Tonight