|
|
| Jomari bumalik kay AraAuthor: Chan-Chan Torres Mapapanood palang muli sina Jomari Yllana at Ara Mina sa isang episode sa MMK. Nagulat na lang kami noong amin itong malaman dahil akala namin ay imposible nang magkasama nag dalawang minsang nagmahalan. Aba, ngayon ay nalaman namin na friends pa pala sila and they can even work together. Kunsabagay, wala naman kasing problema kay Ara eversince na makasama si Jom. Minahal niya ang aktor nang lubos, unfortunately it didn't work out. Ngayon, chummy na lang daw sila. Ang tanong, happy ba naman silang dala-wa without each other? Mmmn, sana nga. Teka, how true nga ba na nagkakalabuan sina Jom at Pops Fernandez? Ito ba ang dahilan kung bakit pumayag na rin ang ak-tor na gumawa sila ng MMK ni Ara? Hmmn, puwede. Eh, on Ara's side naman ay walang nali-link sa aktres dahil puro trabaho lamang daw at negosyo ang inaatupag niya. Magkaroon kaya ng part- two ang kanilang nasimulang relasyon noon? O, hanggang pang-MMK na lang sila ni Jom. Well, abangan na lang natin ang MMK ng dalawang ito sa Biyernes after ng primetime bida sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian, sa ABS-CBN lamang po. * * * Ilang araw pa lang nasa ere ang My Girl nina Kim Chiu a t Gerald Anderson, bongga na agad ang feedback sa kanila. Napanood namin ang ilang eksena nito at talagang kinakarir ni Kim ang pagi-ging Jasmine, huh. In fairness, good choice nga si Kim para sa Pinoy version ng Koreanovelang ito. Nga pala , kasama rin sa My Girl si Alex Gonzaga, ang batang kapatid ni Toni Gonzaga. Kapansin-pansin nga lang na kung gaano ka-reserved type itong si Toni sa pagsagot sa mga ta-nong ng press people ay siya namang pag-kaprangka nitong si Alex. Balita nga na-min, balak pa raw ni-tong pantayan o hi-gitan ang narating ni Toni, ayon sa napag-alaman namin, huh? Bongga. Wala namang kumpetis-yon sa lagay na 'yan? Tingnan natin. Anyway, aba-ngan ang mga nakakikilig na episodes sa buhay nina Jasmine at Julian sa darati na araw. In fairness, iba pa rin talaga ang magic nina Kim at Gerald, may kakai-bang kilig ang tambalan nila kung kaya't mahihirapan yata si Kim kapag ipinare-has siya sa iba. * * * Sa kabila ng mga intriga, tuloy pa rin ang saya at ligaya sa Wowowee. Ayon sa isang source, ayaw na ring patulan ni Wil-lie Revillame ang mga intri-ga sa kanya lalo na sa mga naninira sa kanyang show. Nabuhay na naman kasi ang mga negatibong pamumuna kay Papi magmula nang may tsinuging co-host sa show. Mukhang kay Willie na naman itinuturo ng iba ang dahilan ng pagkasibak ng isang dating beauty queen sa show nito. Na sa tingin namin ay sobrang unfair ito para kay Papi. Pero, hayaan na natin ang mga intrigero. Kung diyan ba sila masa-ya, 'di ba? Basta si Willie, ang noontime show niya ang kanyang sinisikap na pagandahin nang husto. Naku, ito namang detractors ni Papi, konting kibot lang, nakapuna kaagad. Kawindang. Sa ngayon, wala raw ba-lak humanap ng ipapalit ang Wowowee sa tsinuging co-host. Kunsabagay, kering-keri naman ang show nina Mariel Rodriguez, Pokwang, RR at Valerie Concepcion. Sa tingin namin ay walang dahilan para may idag-dag pa o may bumalik pa sa kanila. Source: Taliba |