|
|
| Jomari, iniilusyon sina Aiko, Ara at Pops![]() Author: Jun Nardo ILUSYON ni Jomari Yllana na maka-duet ang mga naging babae niyang sina Aiko Melendez, Ara Mina at Pops Fernandez sa season 3 ng Celebrity Duets. “Alam ninyo, a little bit of trivia lang. 'Yung mga nakarelasyon ko o naka-partner, 'yun lang ang kinakantahan ko! Hindi ako kumakanta talaga!” chika ni Jom. Wala na bang ibang babae siyang kinakantahan bukod sa tatlo? “Intrigero ka talaga! Ha! Ha! Ha! “Ganun ako sa kanila. Pag masama 'yung pakiramdam, ganyan. Kinakantahan ko sila! Ahh, minsan, pag naglalambing ako, kumakanta ako! Meron kasi akong stage fright when it comes to singing on stage. Since Guwaping days pa, ninenerbyos ako pagdating sa kantahan!” katwiran ni Jomari. 'Yun nga lang, nahihiya raw si Jomari na tawagan ang tatlo para maka-duet. “Ex ko kasi ang mga 'yon kaya nakakahiya! I don't know? Tingnan natin. Wala pa namang first round ng elimination kaya hindi ko rin alam kung tatagal tayo rito! Ha! Ha! Ha! “Baka mamaya, first round pa lang, matanggal na ako! Ha! Ha! Ha!” Pero kinakantahan din ba siya ng mga nakarelasyon niya? “Oo! Ha! Ha! Ha! Oo! Kinakantahan din nila ako. Dati, pero wala na kami! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jomari. Bongga ba silang kumanta? “Ay, mas bongga silang kumanta! Ha! Ha! Ha! “Pinakabongga 'yung... Ha! Ha! Ha! Pinakamahilig kumanta si Ara! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na sabi ni Jomari. Aprubado rin si Regine Velasquez sa grand winners ng Are You The Next Big Star? na sina Frencheska Farr at Geoff Taylor. “Oo naman! Sila rin naman ang inaasahan kong mananalo,” say ni Regine, na may bago na namang show, ang Celebrity Duets 3. After ng bagong season ng CD, tuloy raw ang alis nila ni Ogie Alcasid para dumalo sa kasal ni Michelle van Eimeren sa Australia kung saan kakanta siya sa ceremonies. “Secret 'yung kakantahin ko pero nag-iisip pa ako ng bagong song just in case gusto pa nila! Ha! Ha! Ha! “Kinanta ko sa album 'yung song na gusto kong kantahin sa kanila,” pahayag ni Regine. Siyanga pala, last Friday, ni-launch ni Regine sa SM Mall of Asia ang kanyang Reigne at Songbird na pinakabagong scents ng Herbench. First time palang nag-cover ang FHM ng actor sa magazine at si Robin Padilla ang napili ng publisher na isama kay Cristine Reyes ngayong September issue ng babasahin. Malalaman ang reaksyon ni Robin sa pangyayaring ito sa guesting niya bukas sa Showbiz Central. Bukod kay Robin, isasalang naman si Jessa Zaragosa sa Most Wanted Questions a Gimme Mo at si Eugene Domingo naman ang uupo sa Digital Don't Lie To Me! Huling episode na ngayong Sabado ng TV special na Vilma: A Woman For All Seasons na mapapanood after ng anniversary episode ng Maalaala Mo Kaya? Matapos matunghayan ang pagiging icon sa pelikula at TV, ang pagiging asawa kay Ralph Recto at ina kina Luis at Ryan Christian, at ang kaganapan sa kanyang pagiging public servant, ang behind the scenes naman ng comeback movie niyang In My Life ang ipakikita sa special. Kabuntot siyempre ang nakaaantig na trailer ng movie na dinirek ni Olivia Lamasan. Source: Abante |