Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jomari, pinaringgan ni Martin

Author: Nitz Miralles

Matindi ang mga pahayag ni Martin Nievera tungkol kay Jomari Yllana at isa rito'y ang reaction na after Missing You, ang back-to-back concert nina David Cook at David Archuleta ang next na ipo-produced ng Fearless Promotions nina Jomari.

Magre-react kahit papaano si Jomari sa reaction ni Martin na "He can take the two Davids but not Goliath. "

Kung pikon si Jomari, hindi rin magugustuhan ang sinabi ni Martin na gustong tulungan ni Pops (Fernandez) si Jomari, ang pamilya nito at tinulungang kumita kaya ginawang producer ng kanilang concert.

"Not too many girls will do that with their boyfriend. She made him the boss," hirit pa ni Martin.

"My Concert King" ang tawag ni Jomari kay Martin dahil fan siya nito, after what happened at sa mga binitiwang salita ni Martin, favorite pa rin kaya siya ni Jomari?

Sana, itanong ito nina Anjo Yllana at Eugene Domingo kay Jomari bukas sa paggi-guest nito sa Cool Center.

* * *

Tumatawa at nagbibiro sina Jose Manalo at Wally Bayola sa presscon ng Wow Hayop! Featuring Animals Are People Too! na kanilang iho-host sa GMA-7 at magpa-pilot sa March 18, sa Bilib Ka Ba Nights block. Pero halata pa rin ang lungkot sa kanila sa pagpanaw ni Francis Magalona na matagal nilang nakasama sa Eat...Bulaga.

Sabi nina Jose at Wally: "Mabigat pa rin sa dibdib ang pagkawala ni Kiko, 'di madali sa amin na siya'y kalimutan. Mas mabigat nga ngayong nailibing na siya dahil talagang wala na siya. "

Pero dahil nasa showbis sila, kailangang magpakita ng tuwa sina Jose at Wally sa harap ng camera at viewers. Malaki ang pasasalamat nila sa GMA-7 na sila ang napiling mag-host ng Wow Hayop! na papalit sa Masquerade.

Wala raw isyu sa kanila nina Ariel at Maverick dahil ang dalawa pa ang nagsabing sila ang magho-host ng Wow Hayop!

Nakakatuwa lang sina Jose at Wally dahil mga simpleng tao pa rin kahit may hit movie (may kasunod na nga), may album at ngayon ay may sariling show na tatagal ng one season.

'Kaaliw ang dalawa 'pag nakadamit babae na inamin ni Jose na nahihirapan siya, pero si Wally ay hindi. Pantay ang kanilang talent fee, kaya hindi nila pag-aawayan ang pera.

* * *

This Friday ang alis nina Sunshine Dizon at Alfred Vargas para sa taping ng All About Eve sa Singapore, sa March 16, ang balik ng actress in time for the premiere night of Sundo on Mar. 17 at sa opening ng GMA Films movie sa Mar. 18.

Comeback movie ito ng actress, kaya excited at nagpasaya pa sa kanya na kasama niya si Robin Padilla at naging director si Topel Lee.

Napabilib ni Topel si Sunshine dahil steady lang, 'di nagagalit, mild-manner, nice at magaling na director. May eksenang umiiyak siya na ipinaulit dahil tumulo ang kanyang sipon at ayaw nito ang magiging reaction ng audience 'pag pinanood ang movie.

Maganda rin daw ang naisip nito at scriptwriter na si Aloy Adlawan na twist ng story na ikagugulat ng lahat.

Bago umalis, nag-taping muna ng AAE si Sunshine na si Eric Quizon ang director dahil nasa Singapore si Direk Gil Tejada. Ibig sabihin, actor-director si Eric sa nasabing soap.

Samantala sa AAE, namatay si Mando (Ian de Leon) na 'di sinabi kay Erika (Sunshine) ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Kukunin siya ni Frederico (Richard Gomez) at sa kanila na patitirahin.

Muling magkikita ang malalaki nang sina Erika at Nicolo (Iza Calzado). Makikilala na rin si Kenneth (Mark Anthony Fernandez) na uuwi ng bansa mula Amerika.

* * *

Friday sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, friends na sina Homer (Dingdong Dantes) at Rado (Paolo Contis) dahil iniligtas ng una ang huli sa kamatayan. Makikila rin ni Selena (Jackilou Blanco) si Homer, ang lalaking mahal ni Proserfina.

Malalaman na rin ni Hera (Carmi Martin) na involved sa sindikato si Homer at matatakot ito para sa anak. Salbahe si Jason (Kevin Santos) dahil hindi ibinigay kay Athena (Lovi Poe) ang sulat na ipinabibigay ni Aris (Prince Stefan).

* * *

Mapapanood this Friday sa MAX Movies ng TV5 ang pelikulang Jarhead starring Jake Gyllenhaal at tungkol sa namatay na sundalo. Bukas, Sabado at Linggo, ang two-part movie special na Gladiator starring Russel Crowe. Nanalo itong ng best picture sa Oscars noong 2001 at nagpanalong best actor kay Crowe.

Napapanood ang MAX Movies, 9 p. m. Monday to Sunday sa TV 5 at next week, magagandang pelikula uli ang handog ng network.

* * *

Inihahandog ng GMA Public Affairs ang OFQ Diaries na eere na this Friday after Saksi. Ang programa'y magbibigay halaga sa mga personal na kuwento, isyu at hinaing ng mga OFW at ang pamilyang naiwan nila sa bansa.

Ilalahad ni Kara David ang pinagdaraanan nila thru video diary na ang OFW mismo ang magkukuwento.

Sa pilot episode, mapapanood si Crisanta Sampang na 25 years nagtrabaho sa ibang bansa, nagpursige at ngayon ay writer at aspiring filmmaker pa.

Si Mildred Salbatierra, kapatid ng OFW ang magkukuwento sa sinapit ng kapatid na namatay sa Kuwait at si Bea Bailan, ang GRO na nag-apply bilang domestic helper sa Saudi para mabawi ang pinaampong anak.

Source: People's Tonight