Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jomari, tinamaan kay Marie Digby

Author: Vinia Vivar

Hanga si Jomari Yllana sa U. S. acoustic singer and songwriter na si Marie Digby kaya siya ang naisip ng Fearless Productions na dalhin sa Manila at ipag-produce ng concert.

Marie (pronounced as mah-ree-ay) is only 26 years old at sumikat sa acoustic version ng hit single ni Rihanna na Umbrella noong 2007 na na-upload sa You Tube at lumikha ng atensyon.

"Kapag napapanood ko 'yung past interviews niya, gusto ko ang personality niya, mayroon siyang "it". Gusto ko ang genre niya, acoustic/pop/rock. Magaling kumanta, naggigitara, nagpi-piano," papuri ni Jom sa bagong sumisikat na foreign artist.

Aminado rin si Jom na may kahalong atraksyon para kay Marie ang paghangang nararamdaman niya rito.

"Maganda siya," he said. "At excited na akong makilala siya. I see an artist, and I know, she's gonna make it big. Kaya inuunahan namin. Na makapag-show na siya dito, na makapag-perform na siya rito. Suwerte lang kami na naka-timing kami nang maayos para makapag-perform siya rito.

"Kasi, walang ibang pupuntahan, sisikat 'yung tao and she's gonna make it big in Hollywood. Isn't that nice na bago pa siya lumaki nang husto sa Holywood, eh, magpe-perform muna siya sa atin? Parang Kobe Bryant, 'di ba, Kobe went here nu'ng 90s pero upcoming pa lang siya nu'n, pero ngayon, anim na ang singsing niya sa NBA, anim na ang championship niya. "

Since aminado siyang attracted siya kay Marie, open ba siya sa possibility na ma-in-love sa singer pag nakilala niya ito lalo pa nga't balitang single ito? Na-check na ba niya ang personal life nito at alam ba niya kung may boyfriend na?

"Hindi pa (natse-check kung may boyfriend). Pero parang makulay ang buhay niya. Pinakikinggan ko ang lyrics niya, eh. "

So, open ba siya sa possibility na ma-in-love siya kay Marie?

"Parang mahirap ihalo ang personal sa business, eh. Saka, ewan ko. .tingnan natin. Pero sa amin, we're here to give her the best show in Manila. Sa personal, meron akong pagha-nga, siyempre, maganda siya. So, let's see, there's only one way to find out. Kailangang dumating siya dito, tapusin ang show at magkakilanlan. "

Ang Marie Digby: Live in Manila ay gaganapin sa NBC Tent (The Fort) on August 1. Available na ang tickets starting today at Ticketnet.

* * *

Isang engrandeng TV special ang kasalukuyang ginagawa ngayon ng ABS-CBN for Vilma Santos na ieere ng 5 weeks sa buong buwan ng Agosto titled Vilma: A Woman For All Seasons.

Nakunan na ang first and second episode kung saan ay katakut-takot na agad na artista ang um-appear para sumuporta.

Sa first episode ay ipakikita ang Star For All Seasons bilang movie icon na iho-host ni Claudine Barretto. Dito nagkaroong ng enactment part si Kim Chiu sa Dolzura Cortez movie ni Ate Vi.

Napasyal kami habang kinukunan ang second episode sa PBB house kung saan ay magtuturo si Ate Vi ng dance workshop sa mga baguhang dancers at kabataang artista with Vhong Navarro as host.

Sa episode na ito naman ay ipakikita si Vi bilang dan-cing queen at TV icon. Sa taping ay naroroon sina Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, Iya Villania at Dianne Medina dahil may gagawin silang production number. Naroroon din si Vhong being the host.

Nakausap namin si Ms. Chit Guererro na siyang executive in charge of production and she gave us a brief background kung paano nabuo ang special.

Two years ago raw ay binalak na nilang magkaroon ng big anniversary special, dahil 46 years na raw ang Star For All Seasons sa showbiz ngayon, so, plinano nilang gawin ito noong 40th year or 45th.

Pero hindi raw natutuloy parati dahil walang time ang aktres/politiko.

"So, now that she's finally doing a comeback movie (In My Life with John Lloyd Cruz and Luis Manzano), siyempre, Vilma 'yan, so we were thinking kung ano kayang maganda to drumbeat her comeback," pahayag ni Ms. Chit.

Ang highlight ng special ay ang documentary na ipakikita while filming In My Life in New York. Ipakikita raw dito ang pagpunta sa gay bar sa U. S. nina Luis at John Lloyd at mga footages ng movie na never before seen.

Source: People's Tonight