Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Joross Gamboa says staying power in the business is more important than fame

Joross Gamboa says staying power in the business is more important than fame

Author: Napoleon Quintos

Isa si Joross Gamboa sa mga grand finalist ng first Star Circle Quest at kasabayan niya sina Hero Angeles, Sandara Park, Roxanne Guinoo at Melissa Ricks. Subalit sa kanilang lima, parang napagiwanan na daw si Joross. Bukod kay Hero, masasabing gumagawa na ng pangalan ngayon ang mga girls habang naghihintay pa rin si Joross ng big break o kaya ay lead role. Pero para sa binata, hindi ito isyu sa kanya. "Sa akin okay naman (ako) sa takbo ng career ko," simula niya. Idinagdag pa niya na malaking bagay ang napagsasabay niya ang pag-aaral at pag-aartista. "Nakakapag-aral naman ako. Hindi importante na sunud-sunod (ang project) talaga. Kasi ang iba gustong sumikat at gusto mag-boom (agad ang career). Mas importante sa akin ang magtagal kaysa tumodo. So sa akin, as long as may projects na dumarating, it's still a blessing for me and the other way." Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni Joross ay ang upcoming afternoon teleserye na Pat is Tin at makakasama niya sina Valerie Concepcion, Jon Avila at Wendy Valdez. Wala pang date kung kailan magsisimulang umere ang nasabing soap opera.

Currently happy naman ang aktor sa kanyang love-life with a non-showbiz girlfriend of one year. Isang model ang kasintahan ni Joross at ibinahagi pa niya na kadarating lamang ng girlfriend mula sa isang European trip. Wala pa naman umano silang balak magpakasal pero sinabi ni Joross na gusto niyang dalhin sa dambana ang kanyang current girlfriend. Kuwento pa niya, sobrang smooth ng relasyon nila ngayon, kumpara noong dati na madali siyang magselos. "Before seloso ako, pero I'm trying not to be jealous. Kapag nagseselos ka kasi nagiging kumplikado ang sitwasyon at nabibigyan mo ng meaning ang mga bagay kahit wala naman," paliwanag ni Joross.

Source: ABS-CBN Interactive