Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Joross at Valerie, biniktima rin ng staff ni Becky!

Author: Vinia Vivar

Nakatakdang magsampa ng kaso next week si Jennylyn Mercado at ang manager niyang si Becky Aguila laban sa isang staff na diumano’y nanloko at kumuha ng malaking halaga ng pera sa kanila.

Four years nang handler ni Jen si Rowena “Mel” Pulmano at tiwala na sa kanya ang young actress, kaya naman ipinagkakatiwala rito ang bank account at finances.

Pero recently, nadiskubre ni Jen na wala na siyang pera sa bangko at nagsipagtalbugan ang mga tseke niya na hindi niya in-issue.

Diumano, may nag-forge ng pirma ni Jen at ang handler ang pinaghihinalaang gumawa nito.

Hindi lang si Jen, kundi maging ang isa pang alaga ni Tita Becky, si Joross Gamboa, natangayan din.

Hindi raw ibinigay ni Mel ang talent fee ni Joross sa isang out of town show, pati na ang downpayment sa isang show sa November na diumano’y nasa handler din.

Pati si Valerie Concepcion, nautangan din daw ng handler at ang sinabing nangungutang ay si Jen. Nagpautang naman si Val at ang mommy niya only to find out na wala naman palang sinasabi ang young actress.

Kaya si Jen, gulat na gulat nang malamang may utang pala siya kay Valerie.

Anyway, napapabalitang nagpa-interview ang handler sa isang talk show at diumano, may mga pinasabog itong kasiraan kay Tita Becky at sa dalawang alagang sina Jen at Angel Locsin.

Personal naming kilala si Mel kaya tinawagan namin ito para makausap. Naloka lang kami dahil parang batang paslit ang kausap namin na kung anu-ano ang sinasabi’t parang wala sa sarili.

Wala siyang malinaw na naisagot sa amin hanggang sa ipinasa na lang niya ang telepono sa iba na nagsabi naman sa aming huwag na naming kausapin at nai-stress na ito.

Samantala, hindi nababahala sina Tita Becky, Jen at Angel sa mga posibleng pasabog ng handler. Nakahanda raw sila sa necessary actions.

“Whatever she says now is irrelevant. Pretty obvious that it’s a desperate attempt to escape the problems she created. It’s useless to discuss this in public. There’s a proper venue for all these. We will see her in court,” ang statement na ipinadala sa amin ni Tita Becky.

* * *

Bilang pagkilala sa napakalaking suporta at kontribusyon ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment sa movie industry, nagsumite si Sen. Loren Legarda ng isang Senate Resolution (SRN 676) “saluting her magnanimity of doing everything in power to bring joy and entertainment to the Filipino viewers. ”

Kahapon humarap sa presscon si Sen. Legarda para personal na ipaalam sa entertainment press ang pagkilala sa mga nagawa ng lady producer.

Sa panahon daw kasi na ang movie industry ay naghihingalo, hindi tumigil si Mother Lily sa pagpo-produce ng pelikula at patuloy na nagbibigay ng kasiyahan sa manonood at trabaho sa daan-daang tao sa industriya.

“Mother Lily’s contributions to this industry have reached the zenith of selfless service to the Filipino viewers. The entertainment industry would be lifeless without her, because she has been its mother for more than one decade.

“I look forward to the next 40 years of her undying support for Filipino artistry,” sabi ni Legarda.

Sa presscon, ni-reveal din ng senadora na matagal na pala niyang crush si Christopher de Leon.

Pinanood daw niya ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang, first movie ni Boyet, at tandang-tanda pa niya kung saang sinehan.

“Sa Quad, second year high school ako nu’n sa Assumption. Ang guwapu-guwapo niya noon,” she recalled.

Inasam ba niyang maging leading lady ni Boyet?

“Oo. Sana. Hindi pa naman huli,” she joked.

Na-meet na raw niya si Boyet, siguro raw, dalawang beses na. Sinabi ba niya na dati niya itong crush?

“Hindi, nahihiya ako, nakakahiya kay Sandy,” natatawa pa niyang sabi.

Puwes, ngayon, alam na ni Boyet.

Source: People's Tonight