Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Joross, 'di puwedeng makabuntis

Author: Vinia Vivar

Nakatanggap kami ulit ng text message mula sa dating road manager ni Jennylyn Mercado na si Rowena "Mel" Pulmano informing us na hindi fake ang kanyang isinampang kasong robbery and child abuse laban sa young actress

Talaga raw nag-file siya last Wednesday sa Pasig City Hall at ang anak naman niyang si Bianca ay nagsampa ng robbery.

Nag-text din sa amin kahapon ang legal counsel ni Jennylyn Mercado na si Atty. Joji Alonzo kaugnay ng nasabing kaso at narito ang kanyang pahayag:

"We have been advised that Rowena Pulmano has been sending to various media practitioners about certain cases she and daughter, Bianca have supposedly filed against Jennylyn for alleged robbery and child abuse.

"Interestingly, said charges were supposedly filed on the same day that the case Jennylyn lodged against her, was submitted for decision.

"We have yet to receive copies of their complaints. Only then can we make an appropriate statement on the matter. Thank you for your understanding," ang mensahe ng lady lawyer.

Tinanong namin si Atty. Alonzo kung may idea ba siya kung ano ang 'ninakaw' ni Jen para sampahan siya ng kaso ng anak ni Mel and the lawyer replied: "May hikaw daw si Bianca na pinatanggal ni Ronnie (husband ni Mel) para ibigay kay Jen as a sign of good faith. Suspetsa ko, 'yun. "

So, isang pares na hikaw pala ang pinag-uusapan dito.

Ang pinangangambahan ni Atty. Alonzo ay baka magdagdag pa raw si Mel at palabasing may iba pang kinuha si Jen para palalain ang kaso.

Samantala, narito naman ang statement ng manager ni Jen na si Becky Aguila:

"Rowena Pulmano is crazy and insane. Trying her last ditch effort into destroying Jen's reputation by filing a case of robbery and child abuse against Jen. If she's thinking of finding a way out thru bargaining leverage with this new case she filed against Jen, well, sorry to say, she doesn't stand a chance.

"Jen's not guilty. We have our witnesses to prove her innocence. Pleas don't allow Mel to abuse your authority and position by feeding you with the wrong infos. She did it last time with me pointing me as her mastermind. She's doing it now to Jen.

"As far as we're concerned and the rest of the victims, she is guilty and she's not going to get away with her crimes. At the right time, justice will prevail. "

* * *

Itinanggi na ni Joross Gamboa ang napabalita recently na may itinatago siyang anak sa Palawan na kasisilang lang noong February.

Blind item ang pagkakasulat pero sa clue na ibinigay ng writer ay mahuhulaan mong si Joross ang tinutukoy.

Ayon sa young actor, wala siyang maalalang babaing taga-Palawan maliban kay Katrina Halili na na-link sa kanya.

Dinenay din niya ang pagkaka-link sa isang matronang nagngangalang Maricar Santos na producer pala niya sa indie film na Pasang Krus.

Nasa late 20's pa lang daw ang producer kaya hindi naman daw ito matatawag na matrona. But whatever, hindi rin daw niya ito karelasyon dahil may girlfriend siya ngayon na commercial at print ad model na nagngangalang Katz.

Ayon naman sa isang malapit kay Joross, the young actor practices safe sex kaya imposible raw na makabuntis ito nang wala sa panahon.

Anyway, bukod sa indie film na Pasang Krus, pa-gues-guest lang ang drama ni Joross ngayon sa mga tv shows habang naghihintay siya ng project. Huli siyang napanood sa seryeng Eva Fonda at sa pelikula naman ay ang blockbuster na You Changed My Life.

Ngayong gabi ay guest si Joross sa Banana Split nina Valerie Concepcion, RR Enriquez, Angelica Panganiban and Roxanne Guinoo.

Source: People's Tonight