Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jose, 'di raw nilustay ang pera ni Sugar!

Author: Jun Nardo

GUSTONG makipaglinawan ng mag-asawang Jose at Annalyn Manalo sa binitawang pahayag ng ina ni Sugar Mercado na diumano ay nilustay ng mag-asawa ang perang naipon nito nu'ng kasagsagan ng paglabas niya sa Eat Bulaga.

Nagpa-interview kasi ang mother ni Sugar sa radio program ni Jobert Sucaldito sa DZMM sa diumano'y pagbi-brainwash ng mag-asawa kay Sugar kaya ipinamahala nito ang perang naipon.

“Never naman akong naging manager ni Sugar. Tumulong lang ako sa kanya para makakuha siya ng tirahan. Ako tuloy ang nasisisi. Wala akong kinuhang pera sa kanya! Gusto ko na ngang magsalita kasi ang sikip-sikip na ng dibdib ko pero dahil kay Ariel (Jose), tumatahimik na lang ako!” pahayag ni Annalyn habang tahimk si Jose.

Ikinuwento nga nina Jose at Annalyn kay Lito Alejandria ng Klownz ang side nila sa paratang ng nanay ni Sugar. Lumapit sila rito para makapag-usap sila nang maayos ni Su­gar kasama ang nanay nito.

Subalit hindi sumipot ang mag-ina kaya bigo ang mag-asawa na maayos ang anumang problema.

Source: Abante