Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Joyce, Gwen sinusundan pa rin ng ligaw na kaluluwa

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Nawindang kami sa balitang hanggang nga-yon ay sinusundan pa rin ng ‘kaluluwang ligaw’ si-na Joyce Jimenez, Gwen Garci at Precious Lara Qui-gaman mula nu’ng nag-taping sila sa Teachers’ Camp sa Baguio City. Ito ay para sa isang episode ng Philippines’ Scariest Challenge ng TV-5.

Ayon sa source na-min, na-possess si Gwen.

Si Joyce ay sinusundan daw ng ‘ligaw na kalu-luwa’ at ito raw ang dahi-lan kaya na-car accident siya kamakailan.

Si Precious Lara ay hindi masyadong naa-pektuhan ng pagsanib sa kanya ng ‘ligaw na kaluluwa’ dahil sa faith niya. Devoted born-again Christian si Precious. ’Di tulad ni Gwen na nang si-naniban ay panay ang paghahamon ng away at sigaw nang sigaw. Si Lara ay mahinahong tumata-wag lang sa Panginoon.

Matindi ang epekto ki-na Joyce at Gwen ng ‘li-gaw na kaluluwa’ at kina-ilangan pang magpata-wag ang staff ang show ng ‘spirit warriors’ para mapaalis ang mga kaluluwang ito na nagambala nina Gwen, Joyce at Lara sa kanilang pagte-taping.

Kung ating maaalaala, isang himalang mata-tawag ang pagkakaligtas ni Joyce sa isang fatal car accident kamakailan.

* * *

Hataw talaga si Valerie Concepcion.

Isa sa in demand na co-hosts ng Wowowee si Val at maraming fans ang dalaga. May bago na naman siyang endorsement, ang Energo Energy Drink.

Ayon mismo sa tagapamahala ng Energo, si Valerie ang napili nilang endorser ng produkto because she epitomizes energy.

Kahit galing sa live show na Wowowee si Val, walang pagod siyang dumidiretso sa kanyang tapings at sa iba pang commitments.

* * *

Curious lang ang ilang manonood, kumusta na raw ang lovelife ni Willie Revillame? Bakit tila biglang nanahimik ito?

Nang huli naming na-ka-chikahan si Papi, simple lang ang naging sa-got niya sa pangungumusta namin. Okey lang daw siya kahit minsan ay nalulungkot siya.

Nililibang na lang daw ni Willie ang sarili sa pagbisita sa rest house niya at pag-aasikaso sa ilang properties niya.

Samantala, muling da-dalaw ang Wowowee sa Amerika bago mag-Pasko.

May balita ring magtatanghal ang programa sa Palawan para pasayahin ang ating mga kababayan doon sa panahon ng Kapaskuhan.

Source: Taliba