Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Judai reveals her 'fear factors'

Judai reveals her 'fear factors'

Author: Bernie Franco

Kaugnay ng bagong programa ng kanyang fiancé na si Ryan Agoncillo na Pinoy Fear Factor, natanong ng ABS-CBN.com si Judy Ann Santos tungkol sa kanyang "fear factors." "Fear factors ko, tatlo lang naman 'yan eh, si Mommy (Carol) si Tito Alfie (Lorenzo) at si Ryan (Agoncillo)," pagtatapat nito. Paliwanag ni Judy Ann, sila kasi ang tatlong taong pinaka mahalaga sa buhay niya. "It's because I love them so much and I would not want to argue with these peope." Ayon kay Judai, sa tuwing nagkakaroon siya ng pagtatalo o kaya ay hindi pagkakaunawaan kahit sino man sa tatlong ito ay hindi siya mapakali ng buong araw at parang may kulang. "Hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo, tapos ang bigat-bigat ng dibdib mo kasi alam mo na at the back of your mind, mayroon kang hindi pagkakaunawaan sa kanila, kaya ganoon," sabi ng aktres. Sinabi rin ni Judai na takot na takot siya dati sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya subalit natutunan na niya itong alisin. "Kasi wala rin namang mangyayari kung pababayaan ko na lang na lagi akong takot," pahayag ng dalaga. "Lagi ko na lang iisipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Paano naman ako? 'Yung katahimikan ng puso ko kung palagi na lang sila 'yung iisipin ko?" Judai also shared kung paano niya na-conquer ang fear niya sa kanyang talent manager when she personally approached him to apologize. Matatandaan kasing nagkaroon ng hidwaan ang dalawa nang kumonsulta si Judai sa abogado tungkol sa kontrata niya with ABS-CBN na ikinagalit naman ni Alfie. "Kinausap ko si Tito Alfi nang mag-isa. Dati every time kapag makikipag-usap ako sa kanya, either nandyan si Kuya (Jeffrey Santos) or para lumakas ang loob ko iinom ako ng red wine." Nang huling usap nila ay hinarap niyang mag-isa si Alfie without the assistance of anyone or without red wine to boost her confidence. "Parang I've realized that I have to do this alone," pahayag ng aktres.
Sa ngayon, ay okay na si Judy Ann at si Alfie at natuloy na rin ang pagpirma niya ng kontrata with ABS-CBN noong nakaraang linggo.

Source: ABS-CBN Interactive