Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday, Ai Ai, at Ara, pare-parehong bigo sa resto! Boat riders and bandwagon hitch hikers! (2)

Juday, Ai Ai, at Ara, pare-parehong bigo sa resto! Boat riders and bandwagon hitch hikers! (2)

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Better said than done - isa pang kasabihan 'yan! Marami sa mga artista ang word of mouth lang ang serbisyo.

Mga artistang hindi lang bobo umarte, kundi hindi pa nag-iisip.

Eh, ano ba kung gusto ni Angel Locsin bumili ng helicopter kahit hindi kaya? Masama ba ang ma­ngarap? Bibili raw si Angel ng helicopter para pantulong sa mga binabaha. Araw-araw ba naman ang baha?

Tulad ng ibang artista na pinu-promote ang sari­li nila, nominated daw si Angel Locsin sa Emmy awards dahil sa teleser­yeng aniya ay “pinaghirapan nila nang husto”.

As if hindi lahat ng trabaho eh, pinagbubuhusan ng energy noh! As if, sisiraan ng isang artista ang sarili o pelikula niya by saying, “napakagandang pelikula po nito dahil pinaghirapan namin nang husto”. As if naman, chicken feed lang ang pag-arte, huh!

Ako na lang, puwede kong isulat dito na mula Panay Ave., to Pasig, Cainta to Dagupan ay namudmod ako ng tulong - hindi ba may magdududa rin dahil itatanong nila, saan ako kumuha ng pera o pantulong?

Ninakaw ko ang pera ni Juday? But then, isa ako sa masyadong bilib sa kasabihang, “kung ano ang ginawa ng kanang kamay mo, huwag mo nang ipaalam sa kaliwang kamay mo!”

So, that's it!
***

Kahit na may kontrata pa si Ai Ai delas Alas sa kinalalagyan ng kanyang Ai-sarap restobar until January ay gusto na raw nitong isara na lang, to avoid further pagkalugi.

Matagal na raw nalulugi ang restobar ni Ai Ai dahil sa konti ang nagpupunta roon para kumain o makinig sa maingay na banda niya.

Maliit ang area na 'yun para lagyan pa ng mag-iingay. Mabuti pa nu'ng pumupunta pa kami roon halos gabi-gabi ay tahimik lang at medyo maluwag pa ang area na inokupa ng inilagay na banda.

Noon pa ay sinasabihan ko na si Ai Ai ng tamang sangkap ng lutong-Kapampangan. Imagine 'yung sitsa­rong bituka nila eh malansa?

Sinabihan ko silang ibabad muna sa suka bago iprito ng mawala ang amoy malansa, hindi nila ginawa.

Pati 'yung ibang luto nila na either maalat o matabang naman, hindi rin nila ginawan ng remedyo. Hayun at isa-isang nawala ang mga sumusubok sa luto nila.

Wala kasing personal supervision si Ai Ai at nanduon lang pag pasara na ang resto-bar niya to check kung magkano ang pumasok na pera for the day.

Months before ito magsara ay naligaw kami uli roon for curiosity sake. Isa na lang ang tao ni Ai Ai doon at wala na ang mga dating nagsisilbi.

Mabuti pa 'yung isang dating waiter ni Ai Ai nagbebenta na ng mga secondhand cars.

Sadya sigurong hindi ibibigay ng Diyos ang lahat ng grasya sa isang tao lang. Matagumpay na si Ai Ai sa showbiz career niya, naghahangad pa ng konting kita sa resto.

Hindi siguro nabasa ni Ai Ai ang sinulat kong walang artistang nagtagumpay sa restaurant business gaano man ito kasikat sa puting tabing.

Hindi rin nadadaan sa ganda ang restaurant business. Dahil ganda at sarap ng pagkain ang ipinunta doon ng mga kakain -hindi ang hitsura ng may ari.

Mas gaganda pa ba si Ara Mina kay Ai Ai na pati na resto ni Juday o ni Piolo at maging mga taga-Esquinita eh pawang mga sarado na? Ibigay na lang daw sa mga hindi sikat ang resto business.

Ay, eh bakit daw 'yung resto ni Melissa Mendez nagsara rin? Hindi ba siya kagandahan?

Source: Abante