Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday, Ogie walang kissing scene

Author: Nitz Miralles

Bilib na bilib si Ogie Alcasid sa nobyang si Regine Velasquez dahil nang magpatulong siya mag-isip ng storyline para sa pelikula nila ni Judy Ann Santos sa Regal Entertainment, nahiga lang ito sa silya and after five minutes, may naisip ng basic concept at pinalaki na lang ng scriptwriters. Three stories ang kanilang pinagpilian at ang idea ng GF ang napili.

Sa kuwento pa lang ni Ogie, natawa na kami sa story ng OMG! o Oh, My Girl! na ididirek ni Dante Nico Garcia. Siya si Biboy rito, kababata ni Siops for Siopao (Judy Ann) pumasok na PA para mapalapit sa dalaga na nakilalang si Darling nang sumikat na singer-actress. Si Ogie ang susulat ng theme song entitled Walang Iba at ang melody ay kay Roselle Monteverde-Teo.

Ito ang pelikulang storycon pa lang ay may poster at teaser na at tsika ni Ogie, polo niya ang suot ni Judy Ann sa poster. Mag-aayos babae rito si Ogie, kaya laugh trip ito. Talent ng ABS-CBN ang gaganap na ka-love team kunwari ni Judy Ann.

Samantala, apektado sina Ogie at Regine sa pagpanaw ni Francis Magalona na pinsan pala ni Regine sa mother side.

Kay Francis at sa mga taga-La Salle na namayapa na niya dedicated ang bagong composition na To Those Who Have Gone Ahead of Us. Madami silang ginawang movie ni Francis nag-collaborate sila sa mga songs na Habang Panahon at Sige Na Naman na kasama sa On Air album niya.

Walang kissing scene sina Judy Ann at Ogie sa OMG! hindi dahil magseselos sina Regine at Ryan Agoncillo, kundi dahil hindi kailangan at puwedeng tumakbo ang movie ng walang kissing scene. Saka, si Judy Ann, hindi na nagpapahalik sa movie two to three years ago pa.

* * *

Nakita naming nag-apiran sina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa narinig na positive feedback ng press sa mga eksena nila sa All About Eve na ipinakita sa presscon. Sample lang 'yun dahil marami pang confrontation ang dalawa sa soap na magsisimula this Monday, after Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa direksyon ni Gil Tejada.

Sabi ni Iza, hindi lang ang pagsasama nila ni Sunshine ang nagbibigay ng pressure sa kanya, but working with the whole cast. Kailangang 'di siya magpahuli at tapatan ang husay na ibinibigay ng mga kasama dahil sayang ang eksena kung magpapahuli siya.

Sa parte ni Sunshine, enjoy siya sa bida-kontrabida rola at ang wish nito'y ma-extend ang soap dahil sa ganda ng story at malupit na casting. First time rin niyang magka-kissing scene at may eksena pa yatang nagsayaw siya sa club in a sexy costume.

Ang theme song ng AAE ay kinanta nina Krissa Mae Arrietta, Martha Joy at Daina Meneses at pinamagatang All About na lyrics ni Joe Bartolome at music ni Tats Faustino.

* * *

Nauuso ang regalong bracelet sa showbis at nauna si Dingdong Dantes sa kanyang diamond-studded Christmas gift kay Marian Rivera. Niregaluhan din ni Aljur Abrenica ng bracelet si Kris Bernal, ang kapareha sa Dapat Ka Bang Mahalin?

Bracelet din ang birthday gift kay Nadine Samonte ng boyfriend niyang si Emerson Chua sa birthday niya noong March 2. Hindi na nito sinabi kung magkano ang worth ng bracelet, titingnan na lang namin 'pag nakita namin ang actress.

Walang big party si Nadine sa nakaraan niyang birthday, pero mamaya, may charity event siya sa Children's Joy Foundation sa Project 8. Mamimigay siya ng gifts sa mga bata roon at konting kasiyahan kasama ang mga taga-GMA Artist Center.

Isa pala si Nadine sa GMA Artist Center talents na sasama sa gagawing Bida Grand March sa March 21 na project ng Dangerous Drugs Board. Join din sina Isabel Oli at Roxanne Barcelo.

* * *

Sa pagpapatuloy ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, aksidenteng naitulak ni Proserfina (Marian Rivera) ang inang si Selena (Jackielou Blanco) sa hagdan. Galit siya sa iba dahil sa pag-iwan nito sa kanila noon.

Hihingin naman ni Homer (Dingdong Dantes) ang tulong ng pinsan niyang NBI para mapabagsak si Rado (Paolo Contis). Hindi siya titigil hangga't 'di naaalis sina Proserfina at Ulysses (Mart Escudero) sa poder ni Rado. Tumutok at marami pang magagandang eksena sa nobela na mula sa panulat ni Carlo J. Caparas at direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

* * *

Nagbago ang desisyon ni JC de Vera na ayaw sanang magpa-party sa birthday niya sa Wednesday, March 11. May party daw ang actor bukas sa co-owned niyang Barrakz Bar sa may Morato. Simpleng party lang ito at sasalubungin ang 23rd birthday niya.

Mamaya naman ang meeting ng manager niya sa GMA Network para pag-usapan ang kontrata ni JC at ibang talents ni Annabelle. Makikibalita tayo kung sino ang makaka-meeting ni Annabelle at kung may posibilidad na magkita sila ni Ms. Wilma Galvante.

* * *

Sa panibagong linggo ng 5MAX Movies ng TV5, featured movie for Monday ang classic horror movie na Amityville 3-D, ang third installment ng Amityville horror series.

Tuesday movie ang Get Carter na bida si Sylvester Stallone at isang action-suspense thriller. Si Stallone rin ang bida sa Wednesday featured na D-Tox at istorya ng FBI agent na hinahabol ng serial cop killer. Napapanood ito, 9 p. m. sa TV5.

Source: People's Tonight