Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday, Ryan hiwalay muna

Author: People's Taliba
Column: Footloose

PAGKATAPOS ng blockbuster movie na Sakal, Sakali, Saklolo at ng soap operang Ysabella, hiwalay muna sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Magku-concentrate si Ryan this year sa hosting. Hindi lang namin sure kung ang assignment na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN ay yung sa Pinoy Dream Academy.

Si Derek Ramsay naman ang bagong maka-kasama ni Juday sa bagong show niya sa Dos. Ayon pa sa aktres, baka magsawa ang tao kung palaging sila na lang ni Ryan ang magkapartner kaya susubukan naman nilang maghiwalay this year.

Kung si Juday ang tatanungin, ayaw rin muna niyang gumawa ng filmfest movie for this year. 'Yon daw gagawin nila ni Ryan sa Regal kung matutuloy, eh, hindi naman pang-filmfest.

'Nga pala, how true na mas gusto ng televiewers na kay Derek mag-end-up si Juday in Ysabella? Masunod kaya ang kanilang request o katulad ng original plot ng story, kay Ryan pa rin babagsak si Juday.

Naku, sana naman, magkaroon ng twist para mas exciting ang pagtatapos ng Ysabella, huh!

* * *

LALONG tumitindi ang banggaan ng ABS-CBN at GMA-7 dahil sa paglalabas ng testigo ng Dos tungkol sa diumano'y dayaan sa ratings sa Bacolod.

The other night, inilabas na ng news program na TV Patrol ang isa sa mga testigo ng Dos from Bacolod. Idinetalye nito kung paano nila ginagawa ang pagmamanipula sa ratings at kung paano sinusuhulan ang may-ari ng mga bahay na gusto nilang impluwensyahan.

Na-shock kami sa mga sinabi ng testigo. Pumayag din itong humarap sa ka-mera at ipakita ang kanyang tunay na identity kahit alam nitong mamimiligro ang kanyang buhay.

Sa isang email na natanggap namin, nakasulat doon na nakaharap din pala ng mga tauhan ng AGB Nielsen particularly si Maya Reforma ang ilang sa mga witnesses ng Dos.

Ayaw daw maniwala ni Ms. Reforma sa mga testigong lumantad noong una, pero nang ituro na nito isa-isa ang mga bahay sinasabi niyang "pinakialaman" dahil sa ratings, do'n lang ito naniwala.

Nakakaloka. Hanggang kailan matatapos ang banggaang ito ng dalawang giant network?

* * *

Isang star-studded at bonggang performance ang handog sa televiewers ng ASAP 08 ngayong Linggo.

Tampok ang All For Love concert royalties ng bagong henerasyon Christian Bautista, Rachelle Ann Go, Erik Santos at Sarah Geronimo kasama ang Concert King at Queen Martin Nievera at Pops Fernandez, Zsa-zsa Padilla, at Gary Valenciano para sa isang natatanging performance. Lalong iinit ang party sa special birthday number ni Piolo Pascual kasama ang kanyang Lobo co-star na si Angel Locsin. Birthday din ni Vhong Navarro, huh!

Panoorin din ang Love Spell Presents: The Face na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Valerie Concepcion at Geoff Eigenmann after ASAP 08.

Source: Taliba