|
|
| Juday, ayaw makatrabaho ni Angelika![]() Author: Vinia Vivar Issue pala ang pagtanggap ni Angelika dela Cruz bilang kontrabida ni Kristine Hermosa sa Prinsesa ng Banyera, bagong teleserye ng ABS-CBN na sinimulan nang i-tape. Napabalita kasing dapat ay papasok si Angelika sa teleseryeng Ysabella ni Judy Ann Santos pero tinanggihan niya dahil ayaw na ng aktres ng kontrabida role. Kontrabida na kasi siya sa Bituing Walang Ningning bilang Lavinia at sa Pedro Penduko at ang mga Engkantao ni Matt Evans bilang Kalagua. Nagwu-worry si Angelika na baka ma-typecast na siya sa kontrabida roles, kaya pass na muna siya sa mga ganitong klase ng role. Pero sa Prinsesa ng Banyera, kontrabida na naman ang role niya bilang Mayumi/Daphne, kaya iniintriga tuloy na baka naman ayaw lang makasama ni Angelika si Judy Ann kaya tinanggihan ang Ysabella. In fairness, napakaganda ng role ni Angelika sa PNB, kaya siguro tinanggap niya ang proyekto. Besides, ngayon pa lang ay may magandang slant na ng promo ng kanilang teleserye dahil pareho sila ni Kristine na ex-boyfriend si Jericho Rosales. Mas maganda nga sana kung si Echo na rin ang kinuhang leading man, kaya lang ay nasa Pangarap Na Bituin na ang aktor. Sina TJ Trinidad at Rafael Rosell ang dalawang leading men sa PNB at balitang personal choice ni Kristine ang una. * * * Hanggang ngayon, iniintriga pa rin ang pag-iyak ni Valerie Concepcion sa Wowowee kamakailan habang naglilitanya si Willie Revillame ng sama ng loob kay Joey de Leon. Para sa iba, OA raw ang pag-iyak ni Val (nickname ni Valerie) dahil kailan lang nito nakasama si Willie para makisimpatiya sa nasabing host. Ang hindi alam ng marami, iyakin talaga si Valerie at mababaw ang luha. Madali siyang maapektuhan kaya nadala siya nang makita si Willie na naglilitanya. Naungkat na naman ang ginawang pag-iyak ni Valerie nang magsalita si Joey sa Startalk last Saturday at sinabing para mapatawad niya si Willie, kailangan ding ulitin nina Val at Mariel Rodriguez ang pag-iyak habang nagsu-sorry ang Wowowee host sa kanya. Take two ang request ni Joey sa senaryo na nilalait siya ni Willie but this time, humihingi na ng sorry sa kanya ang TV host. Parang sinabi na rin ni Joey na hindi na niya mapapapatawad talaga si Willie dahil we doubt kung kaya pang gawin ng Wowowee host ang nasabing request. * * * Kamakailan ay pumirma ang dating sexy actor na si Allen Dizon ng one-year management contract sa Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario. Naganap ang contract-signing sa Viva office sa Ortigas, kung saan present ang Viva big boss na si Vic del Rosario at ang dalawang anak na sina Vincent at Veronique. Of course, naroroon din ang manager ni Allen na si Dennis Evangelista bilang co-manager ng VAA. Kasama naman ng aktor ang kanyang asawang si Crystal. Masayang-masaya si Allen dahil may interesado pa raw palang producer sa kanya. Akala raw niya ay wala nang kukuha sa kanya dahil sa higpit ng kumpetisyon ngayon sa showbiz. Matatandaang nagsimula si Allen bilang sexy actor at marami-rami na ring sexy films na nagawa. Naging leader din siya ng Viva Hot Men, na later on ay nabuwag din. Huli niyang pelikula ang Twilight Dancers last year, kung saan ay nanalo pa siya sa Star Awards for Movies bilang Best Supporting Actor. Sa kanyang pagpirma sa VAA, balitang isa sa mga project na naka-line-up for Allen ang Working Girls, kung saan ay kasalukuyan pang nila-line-up ang ibang cast at director. Sa pagbabalik ni Allen, mature roles na ang gusto niyang gawin at ito rin naman ang balak ng VAA sa kanya. Hangga't maiiwasan, ayaw na niya ng sexy roles dahil feeling niya, tapos na siya sa ganitong linya. Source: People's Tonight |