Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday, dedma pa rin sa kasal

Juday, dedma pa rin sa kasal

Author: Nitz Miralles

Laging masaya ang shooting ng Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid at naaaliw ang actress na bigla na lang kakanta si Ogie bilang pang-alis ng pagod at stress.

Nang bumisita kami sa shooting noong Monday evening, si Mel Martinez ang nag-cameo and the night before, si Regine Velasquez ang nag-guest bilang P. A.

By June, tapos na ang pelikula na July ang playdate at matutuwa si Direk Dante Garcia sa sinabi ni Ogie na "this is the most perfect set" dahil mabait ang director at mga kasama at lahat masayang katrabaho, kaya minsan ayaw niyang umuwi kahit wala na siyang eksena.

"Gentle, makanta, madiyeta, at nakakatawa kahit walang eksena," ang description ni Judy Ann kay Ogie at honored siyang tinanggap nito ang project with her.

First time makakasama ni Ogie sina Judy Ann, Carmi Martin, John Prats, Jon Avila at Roderick Paulate at reunion nila ito ni Manilyn Reynes, na hindi raw niya naging girlfriend.

Samantala, hindi maiwasang tanungin si Judy Ann sa nalalapit na kasal nila ni Ryan Agoncillo, pero talagang ayaw nitong magkuwento.

Mas open itong pag-usapan ang nabili nilang two-storey, four-bedroom house. Tapos na ang interior ng bahay, pero may ipinadagdag sila at hinihintay ang mga biniling furniture.

"Hindi masyadong malaki ang bahay, enough lang sa amin. Tama lang siya for our friends na puwedeng mag-crash at gustong mag-hang-out, pero bahay na gusto mong uwian. "

* * *

Birthday ni Regine sa April 22, at sabi ni Ogie, baka magpa-barbecue party na lang siya para sa girlfriend.

Natatawa nitong itsinikang tinanong niya ang GF kung anong gustong gift. Ayaw daw nito ng regalo pati nang sabihin niyang may magandang Black Chanel bag siyang nakita. Ayaw pa rin dahil mahal daw, pero kalaunan, tinanong siya kung ano pang ibang kulay ng bag.

Sa Lian, Batangas sila nag-Holy Week at three days sila roon, nakapagpahinga sila bago muling sumabak sa trabaho.

Kahit si Ogie, natawa sa eksena ni Regine sa Oh, My Girl, mahusay daw sa comedy ang GF niya.

* * *

Magre-renew ng kontrata si Marian Rivera sa Regal Entertainment next week at kung gagayahin ang first contract niya, walong pelikula rin ang gagawin niya sa movie company ni Mother Lily Monteverde sa bagong kontrata.

Three movies pa ang gagawin ni Marian sa first contract niya na sunud-sunod niyang gagawin. Ang Tarot nila ni Dennis Trillo, isang comedy with Vhong Navarro at Nieves, na entry sa Metro Manila Film Festival.

Puwede nang gumawa ng movie si Marian dahil matatapos na ang taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nila ni Dingdong Dantes.

May magre-react tiyak sa ibinalita ni Mother Lily na kasama ni Marian sa Nieves ang bagong contract star ng Regal at GMA-7 na si Carla Abellana, na sabi'y sunod na ibi-build-up ng Regal at GMA-7.

Maging Marian versus Carla nga kaya ang labanan?

* * *

Sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? si PO3 Amelita Despabiladeras, isang policewoman na may asawang sundalo, ang susubok maging milyonaryo.

Isang policewoman na kaya ang maging pangalawang milyonaryo sa game show na pinag-uusapan at pati ang host na si Janno Gibbs ay controversial?

* * *

May series of shows ang comic duo nina K Brosas at Pooh billed Laugh Till You Drop at magsisimula today, April 18, sa Central Bank Convention Hall, Davao).

Other schedules are April 19 (Lagao Gym, General Santos City) at April 26 (Corpus Christi Gym, Cagayan de Oro).

For more details, call Backroom, Inc. at 435-1108 or 435-1120 at puwede ring mag-email sa backroomtalents@pldtdsl. net.

Source: People's Tonight