Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday deserves to be happy -- Jolens

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Pinasaya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang fans sa mga nakakakilig nilang sagot sa Showbiz Central at pag-aming mahal nila ang isa't isa.

Sa sinabi ng actress na "mahal ko siya," sinagot 'yon ni Dingdong ng "mahal ko rin siya. "

Una nang inamin ng actress na mahal niya ang actor sa pagpapaalam ng buong cast ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa SOP.

Hindi maitago ng dalawa ang lungkot dahil last project nila pansamantala ang ABHSAT at paghihiwalayin sila.

Gagawin ni Marian ang Darna at si Dingdong ay nababalitang ipapareha kay Carla Abellana sa Rosalinda.

Nadoble ang lungkot ng fans sa sinabi ng actor na lagi siyang nakasuporta kay Marian at nagbirong payag siyang tagahila ng harness nito sa Darna.

May feeling kami na susubaybayan ni Dingdong ang training at workout ni Marian bilang paghahanda sa Darna.

One-hour training at one-hour workout ang gagawin ng actress na ngayon lang daw magdyi-gym.

Hindi naman controversial ang mga sagot ni Jomari Yllana sa Digital Don't Lie to Me, pero nangakong babalik para sagutin ang tanong sa kanila nina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Ang loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang sumalang sa Intriga Crossfire, nainis lang ang viewers sa matagal at pa-cute na sagot ng dalawa. Hirap si Kris amining crush si JC de Vera at si Aljur naman, gustong makapareha si Rhian Ramos.

* * *

Nakausap namin si Nadine Samonte sa opening ng 44th outlet ng Gibi Shoes na ini-endorse, sa Il Terrazo sa may Tomas Morato.

Nagbibiro lang kaya ang actress sa sinabing may time siyang pumunta sa opening ng branches ng ini-endorse dahil wala pa siyang project sa GMA-7.

Kung next year, wala pa rin siyang project, pupunta na lang daw siya sa Germany.

Two years pa ang exclusive contract ni Nadine sa GMA Artist Center at bawal siyang lumabas sa ibang channel dahil nasa kontrata niya ito.

Ang Gagambino ang last project niya sa GMA-7 at 'di natuloy ang Muling Buksan ang Puso, kaya naghihintay siya ng next project.

Nabalitaan ni Nadine na gagawin ni Marian ang Darna at wish niyang makasama sa cast kahit kontrabida.

Ang importante'y may trabaho siya dahil kung matatagalan siyang walang project, baka hindi na siya makilala ng tao.

* * *

Sina Drew Barrymore sa 51st Date at Riding Car with the Boys at si Julia Roberts sa Nottinghill at Dying Young, ang peg ni Jolina Magdangal sa character niyang si Joanna Maglipot sa rom-com series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo.

Excited ito sa bagong show at kahit sa May 5 pa ang first taping, pinag-aaralan na nito ang makapal na script.

Samantala, happy si Jolina sa malapit na wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at deserving daw maging masaya ang actress.

"Genuine ang pagka-happy ko for her at wala akong nararamdamang kahit katiting na inggit.

"She deserves to be happy at feeling ko, kumpleto na ang buhay niya at nakita na niya ang kanyang destiny.

"Ako naman, happy in search of my destiny at sure akong makikita ko rin ang destiny ko (nalungkot kami habang sinasabi niya ito).

"Akala ko noong una, mauuna pa ako sa kanyang pakasal. Ang maganda, walang naging bitter at lahat happy para sa kanya," sabi pa ni Jolina.

* * *

Hindi nagmamadaling gumawa ng pelikula si Mark Anthony Fernandez dahil busy siya sa TV at hindi pa nga tapos ang All About Eve, nababalitang siya ang gaganap na Fernando Jose sa Rosalinda, na ikinatuwa ng actor kung totoo.

Honored daw siyang maging leading man ni Carla at okey din kung sa kanya ibigay ang role ni Efren sa Darna at makapareha si Marian.

Kung ano ang ibigay sa kanya'y tatanggapin at yayakapin niya nang bung-buo dahil trabaho 'yon, but as of now, sa AAE ang kanyang focus at gustong makasabay sa husay ng acting ng mga kasama.

Thankful din si Mark na parehong mabait sa kanya sina Iza Calzado at Sunshine Dizon, kaya kumportable siya.

Mas close siya kay Sunshine ngayon, nagtatawagan at lumalabas sila at ang pinakahuli'y kasama si Boy 2 Quizon, pero alam niyang magiging close rin sila ni Iza.

* * *

Bilang pasasalamat sa success ng 5Max Movies ng TV5 na gabi-gabing nagpapalabas ng blockbuster Hollywood movies, magkakaroon ng 5Max Barangay Screening simula sa May 3, sa Rosario Covered Court, Pasig City. Ang Madagascar ang ipalalabas.

Dagdag na saya ang pagdalo ng TV5 celebrities sa sa brgy. screening, gaya nina Oyo Boy Sotto at Joaquie Tupas ng Midnight DJ.

Ang susunod na 5Max Barangay Screening ay sa May 10, sa SB Park, Brgy. Tandang Sora, Quezon City. Dadaluhan din ito ng TV5 celebrities.

Source: People's Tonight