|
|
| Juday, humingi ng tawad kay Alfie!Author: Vinia Vivar KUNG hindi nagpakumbaba, siguradong lumaki ang hidwaan sa pagitan ni Judy Ann Santos at ng manager niyang si Alfie Lorenzo. Mabuti na lang at pinuntahan na ni Juday ang manager sa bahay nito nuâng Sabado ng gabi para mag-sorry at tapusin na ang hindi pagkakaunawaan. Sa Startalk kasi last Saturday afternoon, nagsalita na si Tito Alfie Lorenzo at nagbigay ng strong statement na âhindi naman ako pulubi nang madampot ni Juday, siya ang pulubi nang madampot ko. â Matatandaang nagsimula lang ang issue sa dalawa nang tumanggi si Juday na pirmahan ang renewal ng kontrata niya sa ABS-CBN at ang dahilan ng aktres ay gusto muna niya itong ikonsulta sa abogado niya. Nagkaroon pa nga ng tsismis na muntik na raw ihulog ni Tito Alfie si Juday sa hagdanan ng Imperial Palace Suites sa victory party ng Kulam, na siya ring date kung kailan sana pipirma ang aktres ng kontrata sa ABS-CBN. Pero, agad din itong humupa dahil na rin sa deklarasyon ng ilang nakakita na ganuân lang naman kung magsalita si Tito A. Hindi naman tototohanin ang sinasabi. In the first place, sino nga ba naman ang maniniwala na magagawa niyang ihulog sa hagdan ang alaga? Sa panayam ng Startalk, sinabi ni Tito Alfie na nainsulto siya sa desisyon ng alaga dahil lumalabas na parang mas may tiwala pa ito sa lawyer kesa sa kanya. Idinagdag pa niya na maganda ang nakuha niyang kontrata sa ABS-CBN na magtatapos sana sa 2011. Ayaw nang palakihin pa ni Juday ang issue at aniya, mas gusto niyang mag-usap sila nang pribado ng manager. Nang huli naman naming makausap ang butihing ina ni Juday na si Mommy Carol, ayaw niyang mag-comment tungkol dito at hindi pa raw sila nagkakausap ng anak. Pero aniya, 30 years old na rin naman si Juday at puwede na talagang magdesisyon para sa sarili. Samantala, sa Startalk ay sinabi naman ni Tito Alfie na okay sa kanya kung mag-asawa si Juday dahil sanay na siya sa mga alagang babae na nag-aasawa tulad nina Sunshine Cruz, Jackie Forster, Sheryl Cruz at Ruffa Gutierrez. * * * Binigyan na naman ng standing ovation si Jed Madela sa katatapos na concert sa Zirkoh, Timog with Richard Poon, Mariel Rodriguez, K Brosas and Valerie Concepcion. Finale si Jed at pasado alas-12 na naisalang, pero hindi umalis ang mga tao at hinintay ang kanyang number. Apat ang nakahandang kanta ni Jed, pero hindi matapus-tapos ang encore sa kanya. Dalawang beses siyang pinabalik at sa pinakahuli, kinanta niya ang nakapakahusay na bersyon niya ng Impossible Dream, kung saan ay binigyan siya ng standing ovation. Nagbigay din siya ng ilang stanza ng Nessun Dorma, na kinanta niya sa Italy. Kahit a capella ang pagkakabanat dahil wala siyang minus one, matutulala ka pa rin talaga and weâd say, deserving siyang mabigyan ng standing ovation. Super successful ang show and of course, hindi rin matatawaran ang partisipasyon nina K, Mariel, Val at Richard. Kilig na kilig ang girls kay Richard at pamatay ang medley niya ng old love songs gayundin naman si Jed, na hinangaan nang husto sa medley ng OPM hits na pagkatataas. Hats-off din kami kay Mariel na talagang nag-effort sa first show dahil may kasama pa siyang back-up dancer sa sing and dance number niyang Umbrella, with matching props na payong at costume. Sa stage, sinabi niyang ganuân pala ang feeling ng mga nagko-concert sa harap ng maraming tao. Ngayon nga lang niya na-experience ito. Hit naman ang Kiss Me number ni Valerie kung saan ay kumuha siya ng male audience at lahat ng ituro niyang parte ng katawan ay pinahahalikan. Nag-enjoy din ang tao kay K na hindi nagpatalo sa biritan. Kinanta niya ang pagkataas-taas na Alone. Nakadagdag din sa kasiyahan ang paghu-host ng kasamang Rey Pumaloy na kinakarir ang pagiging singer. Source: People's Tonight |